Launchorasince 2014
← Stories

A Wandering Heart

She looks so lost about her life. She goes to every where her feet bring her. Para siyang isang lost soul na laging may hinahanap. And that very single reason made her catch my attention.

I am a certified wanderer. Traveler. Ever since I was a kid I dreamed of traveling Philippines mula Batanes hanggang Julo. Gusto kong akyatin lahat ng bundok, languyin lahat ng dagat at ilog, at kainin lahat ng edible na bagay.

Five years ago nang makapasok ako sa isang tourism company which made my childhood dream come true. They pay me to travel and get reviews from me in all aspects. Sarap diba? And it was five years ago since I had my first travel. Sa travel kung saan ko siya unang nakita.

Bulacan travel. Sa totoo lang napakaraming lugar ang hindi pa nila nadidiskubre sa Bulacan. Malilinis na ilog at peaceful na kabundukan. Nagsimula ako bayan ng Norzagaray. Bitbit River, ang unang bagsak ng tubig mula sa Angat dam.

Alasais pa lamang ng umaga ay naroon na ako kasama ang partner kong si Loisa na walang ibang ginawa kundi maghanap ng signal sa lugar. Kapuputok pa lang ng araw pero di na ko nagpatumpik-tumpik pa. Nagbabad na ako sa ilog at iniwan na lang si Loisa sa cottage.

Sa di kalayuan natatanaw ko ang isang magandang rock formation sa kabilang bahagi ng ilog kaya I followed the trail. Isang magandang malaking bato nga ito. Kinuha ko agad ang camera ko sa cottage at bumalik. Pero nung kukunan ko na sana ito may babaeng biglang tumayo mula sa taas nito at nakataas pa ang dalawang kamay. Dinadama niya ang simoy ng hangin. Next thing I know I was taking pictures of her and she noticed it at biglang kumunot ang dalawang kilay niya.

"Hoy! Burahin mo yan!" Sigaw niya sakin at mabilis na nagpadulas sa bato pababa.

"Di naman ikaw yung kinunan ko eh. Yung bato." Sagot ko habang inilalayo yung camera sa kanya.

"Sigurado ka? Wala akong mukha dyan?"

"Sure. Look." Pinakita ko sa kanya yung mga unang kuha ko sa bato kung saan wala siya.

She smiled. "Good." At lumakad palayo.

"Sandali lang! Saan ka pupunta?"

"Lilibutin yung lugar? Duh. Sayang naman kung sa isang spot lang ako maglalagi."

"Pwede bang sumama?"

"Tara!"

Nilibot namin yung lugar at bago lang siya rito pero parang kabisadong kabisado na niya ito. Mula sa maliit na kweba hanggang sa view deck.

Sobrang dami niyang nalalaman. At lakad lang siya ng lakad without even thinking where to go.

"You're reckless." I joked.

"Guilty. And Wandering." She replied smiling.

"Sabi mo kanina you've went to a lot of places already."

"CORRECTION, I lived to a lot of different places."

"Yeah. Hm are you lost? Or trying to find something?"

"No, I'm not lost."

"But you seem not sure on where to stay."

"Not all wanderers are lost. I'm wandering cause I know where to go. I may not stay for long in a place but I surely know where to go next."

Matapos niyang sabihin yun ay lumubog na ang araw. Kasabay ng paglalaho ng sinag ng araw ay ang pagkawala niya. Sa sandali ko siyang nakasama nakuha niya agad ang puso ko. Ngayon kwinekwestiyon ko ang aking sarili, is she really the one who's lost? Or is it me who got lost after she took my heart?

Naging mas matindi yung passion ko sa pagtatravel sa pag-asang makita ko siya muli. Pero limang taon na ang lumipas at hindi na muling pinagtagpo ang aming landas. Nananatili pa ring sariwa sakin ang mga sandaling iyon at ang larawan niya na nakatingin sa langit at nakataas ang dalawang kamay ay kailanman hindi mawawala sa aking camera at isipan.

Ngayon ay nasa Batanes ako at naglalakad sa tabing dagat. Tinitignan ko ang picture niya sa camera ko.

"Aw. Yung camera ko!" Ang tangi kong nasabi after magswimming ng camera ko sa dagat.

"Naku, sorry. Di ko sinasadya-" sabi ng magandang binibini saking harapan na siyang nakabunggo sakin.

"IKAW?!" Sabay naming sabi ng may ngiti sa mga labi.