Launchorasince 2014
← Stories

Ako naman ngayon

Magpapaalam nalamang ba ako sa mga ala-alang
Binuo natin pareho.
Sa mga araw na punong puno ng pagsasama
Na ginuhit sa palad ng isa't isa.

Magpapaalam nalamang ba ako ng biglaan
At tanggapin ang katotohanan.
Na wala nang kinang ang ating pagmamahalan
At maglalaho ang lahat ng dahan dahan.

Bibitaw naba ako dahil bumitaw kana?
O patuloy akong kakapit sa pangako natin sa isa't isa?

Pangakong tayo lang dalawa ang sa huli'y magsasama
At bubuo ng marami pang mga ala ala.

Hahayaan ko nalamang ba ang desisyon mong kumalas sa kadenang nagtatali sa ating mga kamay.
Hahayaan ko nalamang bang
Gibain ang binuo nating
tulay?

Hahayaan ko nalamang bang harapin ang umaga ng mag isa
At tanggapin na sa akin ay wala kana.

Paano ako ngingiti kung wala nang silbi ang aking kaligayahan.
Paano ako lalakad kung ikaw ang nakikita sa lahat ng lalakaran.
Paano nalamang ang mga umaga't gabing binuo ng pagmahalan.
Paano na ang mga salitang iyong binitawan.

Hindi na kita maintindihan
Hindi na tayo nagkakaintindihan
Pero ako yung paulit-ulit na nasusugatan
Ako yung paulit-ulit na nasasaktan.
Sa mga pagtatalo natin madalas ikaw ang panalo.
May sagot ka sa lahat ng tanong ko sayo

Madalas akong nagpapaubaya
Dahil naiintindihan kita.
Pero ang hiling ko pati ako ay intindihin mo rin sana
Paano nalamang ang taon na ating matagal na inipon.
Paano ang mga araw na hindi ko kaya pang basta nalamang itapon?
Ano ba kasing dahilan?
Maniniwala na ba akong hindi na ako mahalaga?
O sa dahilang may mahal kanang iba?

Pakiusap kung may iba
Sabihin mo,
Hindi yung iiwan mo ako sa salitang "itigil na natin to"
Pakiusap sabihin mo yung tunay na dahilan.
Nang sa ganoon ititigil ko narin ang pag asang ako'y may babalikan.

Maraming beses na'kong umiyak pero eto yung pinakamasakit na pagkakataon.
Yung mga luhang lumalabas ay parang mga ala-ala nating iyong itinapon.
Ganoon nalamang kadali sayo ang bumitaw
Ngayong ang importe lang sa akin ay ikaw

Ganoon nalamang kadali sayo ang sumuko.
Gayong hindi ka kayang sukuan bigla ng aking puso.

Sa kabila ng pagbitaw mo ng paulit ulit sa akin,
Ang makinig sa paliwanag mo ay hinihintay ko parin.

Sa kabila ng matapang na ako, ay may kahinaan rin pagdating sayo.
Sa kabila ng lahat ng sinasabi mo
Pagod kana't nalilito
Nakukuha ko paring magpakatanga
Dahil mas mabuti narin sigurong bumitaw.
Upang ako naman ang magpahinga.