Alam mo?
Unang kita ko pa lang sa’yo nahulog na ako.
‘Di ko lang alam kung bakit hindi ako nakatayo agad at nanatili lang akong nahulog sa’yo.
Madali lang naman tumayo at maglakad palayo.
Pero ano bang mayro’n sa’yo?
Hinayaan ko lang ang sarili kong masaktan ulit at ilagay ang sarili ko sa kahihiyan.
Kahihiyan na umasa ulit kahit hindi naman dapat umasa na.
Nakakahiyang isiping umasa sa wala.
Nakakahiyang nagtiwala ako sa mga galaw mong pinaparamdam mo rin sa iba.
Na kahit nagbigay ka ng motibo ay umasa ako sa naging kilos mo.
Isang laro lang pala ‘yon sa’yo pero nagseryoso ako.
Ano bang aasahan ko?
Nagkamali ako ng pagkakaintindi sa naging asta mo.
Kaya kung ikaw ay bumalik, huwag ka nang umasang magtitiwala ulit.
Tama na ang pangalawang pagkakataon na ibinigay ko sa’yo.
Kung ginawa mo nung una at naulit muli, imposibleng hindi mo na ‘yon gawin ulit.
Hindi na aasa at hindi na ako maniniwala sa mga matatamis mong salita.
Story