Kung ang ibigin ka ay ang banggitin ang mga papuri
Babay bayin ko ang iyong kagandahan mo araw at gabi
Nais kong puluputan ka ng aking pagpapaalala
At nang di mawala sa iyong isipan ang labis kong paghanga
Kung ang ibigin ka ay ilaan lahat ng yaman ng daigdig
Iisa-isahin kong sungkitin ang pinakamakikinang na bituin
Gagalugarin ko ang mga sulok ng mundo upang hanapin
Ang walang katumbas na kayamanan at syang lilikumin
Kung ang ibigin ka ay ang ibigin din ang iyong bukas at nakaraan
Hindi ako kukurap upang anumang eksena ay di malampasan
Sa aki'y tatabo sa takilya ang alinmang linya
Sapagkat inibig, iniibig at iibigin pa rin kita
Kung ang ibigin ka ay ang isulat ito sa tula
Mawalan man ng papel ay saulo naman ng buong diwa
Pagkat ikaw ay nakaukit sa kaibuturan ng kaluluwa
Kaya naman hindi na mahirap gumawa ng sukat, titik at akda
Kung ang ibigin ka ay ang samahan ka sa iyong mga takot
kapitan mo ang kamay ko, huwag muling tumakbo palayo
Hindi ako dumating upang isang araw ay lumisan
Hindi balak mangiwan bagkos manatili kaylanman
Kung ang ibigin ka ay ang isigaw ito sa mundo
Uubusin ko ang laway at ang tinig ko
Sapagkat kung hindi lang din naman para sayo
Walang saysay ang anuman tunog mula sa bibig ko
Kung ang ibigin ka ay habangbuhay na maglakbay
Igagayak ko ang aking mga panyapak, yaong pinakamatitibay
Upang saan mang bundok, ilog o malawak na karagatan
Kahit sa alapaap at sa magpakailanpaman ika'y masamahan
Kung ang ibigin ka ay ang saksihan ang umaga nang magksama
Kahit alam mong hindi ako bumabangon na maaga
Babangon ako sa ating kama at magmumulat ng mata
At sa iyong ngiti, alam ko nang sumapit na ang magandang umaga