Launchorasince 2014
← Stories

Andito

ako'ng yung sandigan
kapag ika'y nahihirapan
di kita iiwan
dahil ika'y aking kaibigan

mahirap
pero kailangan kong magpanggap
okay lang ako
para sayo

ayokong ipakita na nasasaktan
gusto ko akoy iyong kapitan
ayokong dagdagan ang problema
itatago nalang ang nadarama

mas kailangan mo ng karamay
kaya sa susunod nalang ako mag iingay
wag kang mag alala
dahil ika'y pinagpala

di ka Niya pababayaan
sinusubukan iyong kalooban
di ka nag iisa
dahil nandiyan Siya

kahit ako'y malayo
nasa sa iyo ang aking puso
wala man sayong tabi
pero pinagdadasal ka lagi

wag kang susuko
kayanin mo kahit masakit sa puso
magiging maayos rin ang lahat
ilabas mo lang ang luha mong maalat

andito ako
tatandaan mo
hahawakan kita hanggang dulo
kahit na ako pa'y pasmado

okay lang yan
kahit na hindi
iyo ding malalagpasan
ang iyong iniintindi