'Kay lamig ng simoy ng hangin sa dalampasigan
Biglang hinanap init ng iyong yakap
Mga punong tila nagsasayawan
Biglang naalala mga panahong sumasayaw tayo dahil sa tuwa
Mag-irog na magkahawak kamay
Biglang naalala mga panahong hawak ko pa ang iyong mga kamay
Isang malungkot na gabi
Mag-isa sa dalampasigan
Biglang naalala mga panahong kasama pa kita.