Launchorasince 2014
← Stories

Attached


Di ba ang cool kapag may internet friend ka?

Kasi nasasabi mo yung mga problema mo na di mo masabi sa mga friends mo. Tapos excited ka pang umuwi kasi makakausap mo na ulit siya at ikwekwento mo yung mga nangayri sa araw na yun. Tapos magkwekwentuhan kayo buong magdamag

Ang sarap din sa pakiramdam na nagsasabi rin siya ng mga problema niya sayo kasi alam mo na may tiwala rin siya sayo. 

Pero masakit kapag dumating yung araw na parang wala nalang. Yung wala na siyang paki sayo, kapag kakausapin mo siya parang wala siyang gana. Nasasaktan ka na pero sige lang kasi gusto mo siyang kausap. Ang masakit kapag sa oras na inaasahan mong nandon siya wala siya.

Alam ko naman na may iba ka ring mga friends and baka may iba ka na ring nakilalang mga kaibigan mo. Pero hindi ba puede na huwag mo naman akong kalimutan? kasi nong mga panahong wala pa sila ako yung nandiyan para sayo at nakikinig sa mga problema mo.

Gusto kong makausap ka pero di ko alam kung paano magsisimula, parang ang awkward na kasi sa pakiramdam.

Hindi naman sa ayaw ko ng makipag usap sayo dahil hindi na kita minimessage. 

Gusto ko lang namang mauna kang magmessage para kahit papaano namn maisip ko at maramdaman ko na naaalala mo pa pala ako.