Launchorasince 2014
← Stories

B I N T A N A

Masaya ba silipin ang iyong sinta
Yung ngiti mong maganda; tawa mong nakakadala ang sarap sana kung pati siya naglalaan ng oras para tignan ka.

patawarin mo ako kung hindi ko kaya salubungin yung ngiti mong maganda, yung tawa mong nakakadala patawad kung yung pagmamahal mo Saki'y walang halaga
katulad mo ako'y nakatingin sa aking sinta, nagbabakasakaling lingunin ang tulad kong lihim na nagmamahal sakanya:)

masaya ba silipin ang iyong sinta
patawad kung nasasaktan tayong dalawa; patawad kung hindi ko manlang nagawang sulyapan ka
pakiusap isarado muna ang iyong bintana lumabas sa pinto ng sakit dulo't ng aking nagawa.