Launchorasince 2014
← Stories

Basang Daan

Sa isang basang kalsada

doon ay unang nasilayan ka

pilit mong tinatawid ang umapaw na tubig

ang iyong paggalaw, tila kinakabig


Malalaking hakbang patawid sa daan

maiingat na pagtapak sa basang lansangan

nais kong lumapit upang ika’y tulungan

ngunit sa kapit ko, ika’y naguluhan


Nahihirapan ako sa aking nakikita

ika’y hirap pa rin at may pagka-balisa

panatilihing tuyo ang iyong mga paa

dahil para sa’yo handa akong mabasa.