tinanong mo ako kung ano ang nararamdaman ko,
hindi ako makapagsalita.
nanaig ang katahimikan sa ating paligid,
at tanging ang pintig ng iyong puso
ang naririnig.
hindi ko inaasahan na sa bawat paulit-ulit mong katanungan
ay sinagot kita.
"Oo, mahal na rin kita."