Ayaw na kitang bitiwan,
Ngunit ika’y aking nasaktan.
Nais mo na sanang lumisan,
Ngunit ika’y aking pinigilan.
Ngayon unti-unti kong napagmamasdan,
Ang apoy ng pagmamahalan
Sayong mga mata’y naglaho na.
Paliyabing muli ay aking sinusubukan,
Ngunit sa bawat pilit puso ko’y nabibiyak.
Ngayon isang biyak na lang ang naiwan,
Ngunit patuloy pa ring sinusubukan.
Malapit ng maging abo ang aking puso,
Ako muna’y magpapagaling.
Sa susunod na ika’y aking makita
Nais kong pareho na tayong handa.
Hanggang sa muli,
tunay kong mahal.