Launchorasince 2014
← Stories

Bukas..

Sabi ko bukas na kita kakalimutan. Bukas ko na lang hindi aalalahanin ang lahat. Bukas itatapon ko na lahat ng bagay na nakakapag-paalala sayo. Bukas hindi ko na babalik-balikan pa ang mga message mo. Bukas hindi ko na papakinggan pa yung mga kinakanta mo. Bukas hindi ko na titignan yung mga pictures mo. Bukas kakalimutan na kita.

Pero ilang bukas pa ba yung dapat dumaan para magawa ko 'to? Ilang bukas pa ba yung dapat kong maalala lahat ng meron tayo? Yung tayo na natapos lang ng ganun-ganon na lang. Ano nga namang laban ng "Walang Iwanan” sa "Hindi na kita mahal” diba? Sa panahon ngayon, mas totoo na yung hindi ka mahal kaysa sa hindi ka iiwan.

Pero naniniwala pa rin ako na darating din yung bukas na hinihintay ko. Yung bukas na masasabi ko na lang na, "Yes, naka-move on na ako sa'yo!” #thoughts