Launchorasince 2014
← Stories

Dalawang tasang kape - TAGALOG

Nag-ge-games lang ako sa phone ko nang biglang may lumapit sa akin. Nilapag niya sa mesa ang dalawang tasang kape.

"Hi, Mayor Vico...", ang sabi ko. Pinatay ko muna yung phone ko at hinarap si mayor.

"Ito, kape oh. Sorry, pinaghintay kita. May inasikaso lang. Ano nga pala ang sasabihin mo?"

Biglang huminto ang pintig ng puso ko. Dala na rin ng sobrang kaba at takot na baka hindi niya matatanggap kung ano man ang gusto kong iparating sa kaniya.

Tumikhim muna ako. Ngayon naman ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko nang bigla siyang ngumiti sa akin. Shaks!

"Ano? Titingnan mo na lang ako? Ano yun?", Sabi ni mayor sabay tingin sa relo niya. Nako, mukhang busy nga talaga siya. Baka nakaistorbo na ako sa sched niya. Paano kung saka ko na lang sabihin?

"Hmmmm, wala po pala. Hehe! Gusto ko lang pong matikman ulit yung kapeng tinimpla mo. Na-miss ko na po kasi yung lasa. Sige po, uuwi na rin po ako pagkatapos kong maubos tong kape." ang sabi ko at kinuha ko na yung kape at tinikman ito.

Ang sweet talaga ng kape ni mayor. Kung ganito lang ang kape sa bahay, ayos lang maka-sampung baso ako araw-araw. Haha!

Habang nagkakape ako, tumikhim si mayor bago nagsalita.

"Ako, may sasabihing importante. Ano kasi, matagal na ito. Gusto ko lang malaman mo na g----------"

Nag-ring ang phone ko. Nako naman! Tumatawag na naman sa akin si Myung Soo. Ano na namang sasabihin niya?

"Ay, sorry po mayor. Sagutin ko lang po itong tawag ni Myung Soo. Saglit lang po." Nilapag ko sa mesa yung kape.

"Sige lang." Sabi niya at napahawak siya sa ulo niya.

"Hello, Myung Soo? Ano na naman?"

"Tara, kape tayo. Pupunta tayong Daniel's. Saan ka?", sabi niya.

"Nandito ako kanila mayor." sabi ko

"Nandiyan ka na naman? Lagi mo na nga lang nakikita picture niya sa fb tapos bibisitahin mo pa siya?
Dance video ko naman panoorin mo.. Grabe ka! Iba na bias mo ha." hays

"Ba yan! Nag-inarte pa. Oo na, sige na! Pupunta na ako. Sorry na.. Nangonsensya ka pa eh. KKB ba?" sabi ko. Kinuha ko yung kape at ininom.

"Hindi, libre ko. Ano, G?", ito yung gusto ko sa kaniya eh hahah, nanlilibre.

"Haha. Ayos, g! Sige na, bye muna."
in-end call ko na at tinungga ko na yung kape para maubos na. Haha!

"Mayor, pasensya na po. Uwi na po ako. Salamat po sa pa-kape." sabi ko

"Sige. Balik ka bukas. Haha. Isama mo na rin si Myung Soo. Bye. Nice meeting you again."

"Sige po, mayor. Bye..."

----------------
Magkapitbahay lang po sila ni mayor. 😂