Kailangan ko pa bang hintayin?
Ang pangako mong bituin at langit
At sa'yong pangako inaasam na lagi
Kahit 'di ako sigurado na ito'y makakamit.
Ilang beses na tinatangnan
Ang bituin at langit na nasa itaas
Winawari kung dapat pa bang maghintay
At bigla na lamang dumating ang hindi inaasahan.
Dito sa puso ko, natanim at naiyukit
Mga pangakong sa sandali pala'y may kudlit
Hindi natupad ang mga matatamis na sinabi
'Yun pala'y pinaligaya lang ako sa isang saglit.
Mga usapan na laging binubuhay ang aking puso
Mga ala-ala noong tayo at laging magkasundo
Nguni't noon lang iyon at hindi na tayo ngayon
Dahil sa iba mo na ibinaling ang iyong puso.
Umaasa pa na tayo'y babalik sa dati
Dating pinagsamahan na laging iniisip
Kung dumating man ang panahon, na gusto mo akong kausapin
Handa akong makinig dahil ika'y mahal pa rin.