7:53pm
03.08.16
Babaeng nasa repleksyon ng salamin,
San ba dapat umpisahan ang sulat na ito?
Sa salitang SORRY ba?
Sorry dahil pinapabayaan kita.
Sorry na ako pa yung hard sayo.
Sorry na ako ung nagbababa sayo.
Sorry na mahina ako.
Pero wala akong pinagsisisihan kung ano.
Di ko pinagsisihan na nagopen up ako.
Di ko rin pinagsisihan na naging totoo ako.
Di ko rin pinagsisihan na minahal ko sila na parang totoong pamilya ko.
Yung totoo mahal ko pa rin naman sila kaso kailangan bumitaw na ako.
Kailangan na ilet go kasi kahit gusto kong andito sila, sila yung may ayaw na at nasasaktan ko na lang pala.
Sorry. Sorry dahil ibinaba na nga tayo ng iba, ibinababa pa lalo kita.
Sorry kung takot ako, emotional, iyakin at madrama pa.
Sorry kung di ko kayang kontrolin nararamdaman ko,
Na selfish ako kaya ikaw ang nahihirapan ngayon.
Sorry kasi napakanegative ko.
Alam mo sobrang mapagmahal mo.
Sobra to the extent na winawasak mo sarili mo para sa mahal mo,
Mapatunayan mo lang na mahal mo sila ng husto.
Palaban ka, pero ung palaban na namimili ng laban na lalabanan,
At totoo ka kasi kaya mong ipakita yung kahinaan mo lalo na lahat ng ito,
Kahit na takot na takot kang mapagod tao sayo.
Hanga ako sayo, kasi kahit na ilang beses ko na gusto sumuko at tinangkang saktan ka,
Lumalaban ka pa rin ngayon at patuloy na sumusubok pa.
Salamat kasi nilalabanan mo ako,
Kasi lumalaban ka ng todo.
Ang swerte mo kasi may taong andyan pa rin sayo.
Sa hirap mong intindihin, meron pa rin na andyan at tanggap ka ng buo.
May taong naniniwala pa rin sayo,
Lumalaban kahit nahihirapan dahil nasasaktan ka ng husto.
At sorry dahil patuloy ko sila nasasaktan dahil sa kahinaan ko.
Eto na siguto ung sign na kailangan ko na magbago,
Hindi para sa iba pero sa sarili ko.
Tama sila, tulungan ko na muna sarili ko,
Babaguhin ko ung mga bagay na sinabi ko para sayo,
Para gumaan na ang nararamdaman mo.
Self, pakatatag ka pa at wag papatalo sa tulad ko.
Sa akin na gustong sa iyo tuluyang sumuko.
Yakapin mo ako at wag papatalo.
Self, mabuting tao ka.
Marami ka pang pangarap di ba?
May mga tao ka pang gustong makita.
Mga lugar na gustong makita.
Okay lang kung takot ka at kung trauma pa.
Pero wag mo ulit hayaan manalo ako at maging kasing tigas ka ng bato.
Self, wag mo hayaan manalo ako.
Self, karapatdapat ka.
Sa saya. Sa pagasa.
Sa kalayaan. Sa pagmamahal.
Lalo na ang mabuhay kasama ng taong sayo'y mahalaga.
Self, patuloy kang lumaban.
Self, may mga taong darating sa buhay mo para maging lesson lang.
At di lahat gugustuhin at tatanggapin ka.
Kaya self, wag kang basta basta papaapekto sa iba.
Self, may mga taong magiiba tingin sayo
Pero kapit lang, wag mong sukuan sarili mo.
Self, matuto ka sa lahat ng ito.
Lumaban ka para sa sarili mo,
Para na rin wala ng mahirapan pa dahil sayo.
Gamitin mo ako para mas lumaban ka,
Gamitin mo ako para mas tumatag ka,
Gamitin mo ako para mas mapagbuti ka.
Self, yung sakit na dulot ng lahat at dulot ko,
Malalagpasan mo.
Nahihirapan ka at nahihirapan rin silang makita kang ganyan.
Sila yung totoong may paki at gusto kang mas pahalagahan.
Self ka patalo sa akin,
Wag maging bulag sa pagtrato sayo ng iba.
Self, ipagpatuloy mo ang buhay.
Ipagpatuloy mong magmahal.
Ipagpatuloy mong maging masaya-- kasama ng mga taong nananatili sa tabi mo simula umpisa.
Self, lumaban ka lang.
Wag na wag kang susuko basta-basta.
Self, deserve mo ang maging masaya.
Hayaan mong ang mga taong totoong naniniwala at nagmamahal sayo ang tumulong sayo,
Dahil kung yun ang totoo, di sila mapapagod na yun iparamdam sayo.
Self, pagsubok lang ito,
Kung papano ito matatapos ay nasa sayo.
Kung papano nito maaapektuhan o babaguhin buhay mo,
Tanging ikaw lang makakapagdesisyon.
Self, ngumiti ka at wag sumuko.
Ang tunay na nagmamahal sayo, andyan lang sa tabi mo.
Nagmamahal,
Babae sa harap ng salamin.