Nasilayan ko ang isang dilag,
Tunay na kaakit-akit ang mukha niyang rilag,
Bugso ng damdamin, biglang nagliyab,
Pagka't matinding pangungulila ang naramdaman bigla.
Inalala ang bawa't sandaling
Kapiling siya na may ngiti sa mga labi,
Magandang pagmasdan ang mata niyang nakakaakit,
Nakakabighani rin ang kaniyang taglay na bait.
Sinundan ko siya ng tingin,
Hanggang maglaho na siya sa aking paningin,
Pinakinggan ang puso, ang tibok ay kaybilis,
Tama nga ang sabi nila, siya'y iniibig ko pa rin.
Inaabangan ko siya parati,
Araw-araw kong nakikita ang binibini,
'Di ko akalaing magtatagpo ulit ang landas namin,
Napuno ng hiya ang puso pati pagsisisi.
Minamasdan ang bawa't ngiti sa kaniyang labi,
Dati-rati'y ako ang dahilan ng kaniyang mga ngiti,
Nguni't napalitan iyon ng luhang kay pait,
Naiisip baka hindi na maibabalik pa sa dati.