Sabi mo, sasakay tayo ng eroplano
Maglalakbay sa daan-daang panig ng mundo
Magkahawak kamay na lilibot.
Sabi mo, aawitan mo ako
Aawit hanggang sa gusto kong marinig ang tinig mo
Magkatabing hehele sa pagtulog.
Sabi mo, irog mo'y ako
Ikaw at ako lang, sa mundo ng pag-ibig ng buhay mo
Ako lang ang iyo walang iba.
Ngayon ako'y nakatingala sa himpapawid
Kung saan huli kong nakita ang eroplanong iyong pinangako
Nakita ko ang iyong mga plano
Dahan-dahang sinasayaw ng hangin hanggang sa maglaho
Paalam mga planong naiwan sa ere ng pangako.
Story