Wag mo na akong paasahin
Kung di mo rin ako sasaloin
Wag ka ng magparamdam na parang meron
Kahit alam ko na wala rin
Nahuhulog sa mga pasimpleng mensahe tulad ng
"ingat ka pauwe ah? Text agad pag nasa bahay na"
Paunti unti
Puso ko'y tumitibok Paulit ulit
Hihinga na lamang ng malalim
Dahil kapag nasa tabi ka pakiramdam ko'y Di mapigilan baka mapaamin na lang ako sayo ng tuloyan pero wala rin naman kasi itong kahahantongan kasi alam ko hindi mo ako mamahalin kailanman
Bakit ka pa kasi nagpakita ng motibo
Kahit alam ko rin naman ako'y isang laroan
Sana pala sinabi mo
Bored kalang kaya oh text tayo
Pero hindi eh
Pinaramdam mo na may espesyal na nadarama
Kaya ako'y heto umaasa!
Nagmumukhang tanga
Umiiyak, naluluha ano pa ba?
Wala eh di mo rin ako pinili
Sana kasi sinabi mo may hinihintay kalang bumalik
Kaya sana ako preparado
Na kahit anong oras lilisan at aalis ka sa tabi ko
Kaya paalam nalang sayo mahal
Na kahit minsan di mo ko minahal