launchora_img

Illustration by @dariaesste

Ghost Writer

Info


"Raliah Vana Samson, best in sport writing" pag aanunsyo ng emcee.
Kasabay nito ang malakas na palakpak-an ng mga manunuod sa paligid
Habang ako ay nakaupo sa isang sulok at pinapanuod silang umakyat sa stage at bigyang parangal.

"Psh. Ako kaya? Kailan ako aakyat sa stage na yan at papalakpakan ng mga tao? Psh, puro kasi kapalpakan ang resulta ng mga akda ko" bulong ko sa sarili ko 'tsaka tumayo sa kinauupuan ko at naglakad papalabas ng school.

Habang nag lalakad ako ay pilit kong iniisip kung paano ako magiging isang magaling na writer
"Pano kaya..." bulong ko habang naka-yukong nag lalakad.

"Misthie!" pagtawag sa pangalan ko mula sa malayo, dahilan para mai-angat ko ang malaki kong ulo na may maliit na utak at tumingin sa likod kung saan nanggaling ang boses.
"Oh, bakit ?" gulat na tanong ko kay Daffy na may nakangiting labi

"May pina-pa-research kasi sakin si sir, at kailangan ko makakuha ng information para sa magandang article na gagawin ko" pagapapaliwanag nya sakin

"So?" tugon ko sa kanya at tumingin sa mga daliri ko. Na mistulang walang paki-alam.

"Pwede mo ba akong samahan?" pakiusap nya sakin sabay kapit sa braso ko.

"Ayaw!" sabay talikod ko sa kanya.
Ano sya? Sinu-swerte? Tutulongan ko syaang makagawa ng magandang article, samantalang ako... Sawing palad.

Lumakad ako papalayo ngunit
di nya parin binibitawan ang braso ko.

"Pleaseeeeeeee...."

pakiusap nya sa akin pero di parin ako umiimik at patuloy sa paglaalakad habang nakakapit sya.

"Isasama kita sa source ko" pang a-alok nya.

"Saan ba?" tugon ko.

Mukhang nauto ata ako nito ah.. Kapag sinama nya kasi ako sa source, kahit papaano masasama ang pangalan ko sa Campus Paper namin.

"Sa pinaka unang publishing house dito sa bayan natin" masayang tugon nya.

"Pinaka-una?? Ano namang gagawin mo dun ha? Psh. Panget yang article mo. Atsaka.. Una? Matanda na.. Nakakatakot na  dun!"
pagrereklamo ko sa kanya sabay naglakad ng mabilis.

Pero dahil makulit sya ay pinilit nya parin ako.
"Dali na... Ayun kasi ang ife-feature ko" tugon nya.

Mukhang mapipilitan na talaga ako nito..
"Oras?" Tanong ko habang patuloy parin sa paglalakad

"9:00 am" nag tatalong tugon nya
Tumingin muna ako sa relo ko
'tsaka sumagot

"9:30" sagot ko

"Oras pilipino? .. Ok basta payag ka ha" sarcastic na tugon nya.

Psh. Bahala na.
Umuwi na ako sa bahay at di na sya muling pinansin

"Hello!" pagbati ko nang makaapak ako sa pinto ng bahay.

Oo nga pala.. Wala akong kasama sa bahay .. Psh. Bakit ba hindi pa ko sanay .
Ako lang mag-isang nakatira dito sa bahay, only child ako at nasa ibang bansa ang nanay ko na may iba ng pamilya habang ang daddy ko patay na. Nabubuhay ako sa natatanggap kong pensyon ni Daddy, dati kasi syang sundalo.
Ako si Misthie Gosco, 17 years old. Isang frustrated Writer. Campus Journalist din ako na walang kwenta, dahil ni isang article ay wala pa kong naco-Contribute. Trying Hard din akong maging isang Wattpad writer na may kakarampot na reads, vote at comment
Lagi nga kong nangangarap na sana maging isang tanyag na maanunulat din gaya ng mga iniidolo ko.

Pero mukhang malabo pa sa mata ng bulag kung matutupad ko yun.
Pag mu-mukha ko? Simple lang. May mata sa noo at may dalawang tenga sa bibig, At kalbo. Pero syempre, biro lang.
Flat '5' na taas, hanggang balikat na buhok, katamtaman ang kulay, may matangos na ilong, chinita at may tatlong butas ang tenga mula sa kanan, isa naman sa  kaliwa na may itim na hikaw. Kumbaga, tenga ng adik.

Utak ko?

May kapiranggot na kaalaman kung paano huminga ng tama. Pero, sabi ng isa sa mga kaibigan ko, tangina ko daw kasi utak writer ako at kaya silang paikutin sa palad ko na naaayon sa nais ko. Well, ganun talaga kapag nade-demonyo ako.

Ugali ko?

Introvert, at moody. Minsan bangag, madalas tanga. Pero mabait naman sa mabait.

'Back to Reality'

Pagdating ko sa bahay ay umupo akong saglit at kumain muli 'tsaka naligo para makaapag handa na mamaya kung saan man ako isasama ng gagang yun.
Maya-maya pa'y may kumatok na sa pinto at agad ko naman itong binuksan.

"Ang aga mo ah.. 9:30 usapaan diba? 9:00 paalang oh" salubong ko sa kanya.

"Yaan mo na, mahal mo naman ako e" sarcastic nyang sagot sa akin sabay pasok sa loob ng bahay.

"Psh" ang syang lumabas sa bibig ko.

"Bilisan mo magbihis!" paguutos nya sakin sabay hilata nya sa sofa ko.

"Ang kapal mo rin no? Psh. Teka" sagot ko atsaka nagbihis na sa kwarto .

"Ano baang isusuot ko?" tanong ko sa sarili ko
"Kahit ano!" sabat nya.
Aba, antindi ng pandinig nun ah...
Matapos kong magbihis ay agad na rin kaming umalis sakay ng sasakyan nya.
Rich kid ang bruha .

Habang binabagtas ng sasakyan nya ang daan tungo sa kung saan, nakikinig lang ako sa radyo sa loob ng sasakyan.

Maya-maya pa'y...

"Oh, Shit! " pag sigaw ni Daffy at biglang huminto ang sasakyan

"Oh, bakit? " tanong ko

"Di mo ba narinig yung sinabi sa radyo? Naghahanap ng mga bagong Official Writer ang FGT Publishing House! Yung sikat na Book publisher " natatarantang sagot nya sakin.

"So? " nagtatakang sagot ko

"Aba, ewan ko sayo! " sarcastic na sagot nya tsaka muling pinaandar ang sasakyan.

Nang makarating kami sa Target area nya sa isang abandonadong Publishing House na syang ka-una-unahang Publishing House dito sa Bayan ay agad nya nang kinuha ang kanyang camera, ballpen at papel.

"Tara na.. Pasok na tayo sa loob" pag aya nya sakin.

"Nakakatakot! " pagrereklamo ko.

Pano ba naman, mukhang pinamahayan na ng mga multo itong Publishing House

"Gaga! Ang aga-aga pa oh.. Atsaka, hello? Puro papel at makina lang ang nasa loob nyan" huling sambit nya atsaka naunang pumasok sa loob.

No choice, kaya sumunod na rin ako sa kanya . At pinilit na ihakbang ang aking paa.
Pagpasok namin sa loob, sanda-makmak na mga papel ang sumalubong sa amin. May mga libro at mga gamit sa pag imprento.

"Grabe, punong-puno na ng alikabok oh.." bulong ko habang hinihimas ang isang makina ng papel
Nag tungo kami sa 3rd floor kung saan naroon ang opisana ng mga namamahala.
Naunang naglakad si Daffy samantalang ako ay iniisa-isa kong pasukin ang bawat kwarto.

"C.E.O Office" ang syang nabasa ko sa pinto .
Ito yung room ng ceo..

Naglakas loob akong pumasok doon, marahan kong pinihit ang door knob ngunit di ko pa man tuloyang nabubuksan ay bigla nalang nakalas ang pinto dahilan para ito'y matumba.

"MISTHIE!! WAG KANG MANIRA!" sigaw sakin ni
Daffy mula sa kabilang kwarto.

"Ok.." bulong ko.

Pumasok ako sa loob ng opisina ng ceo at nilibot ito.

Grabe, anlaki ng opisina nya ..
Mga lumang kagamitan din ang nandun may sariling cr na walang inidoro, malamang sa kinuha na 'to ng kung sino. May mga wasak na istante rin ng mga libro malapit sa nag-iisang bintana sa kwarto. At may tatlong lumang upuan rin na nakapalibot sa isang hugis bolang wasak na mesa sa gitna.
Lumapit ako sa nag-iisang mesa na maraming nakapatong na papel.
Kapansin-pansin ang isang pluma sa tabi ng mga kumpol na papel kaya, agad kong kinuha ito.
Sinipat ko rin ang mga papel na nakapatong sa mesa at saglit na binasa ang iba.

Maya maya pa'y ...

"MISTHIE!!!! TARA NA! UWI NA TAYO!"

sigaw sakin ni Daffy at narinig ko nalang ang pag-andar ng makina ng sasakyan nya...
Dahilan para mapukaw nito ang kaluluwa ko na kanina'y nakatuon lamang sa kwarto 'to

"Aba, balak pa 'ata akong iwan dito .." bulong ko.

Kaya agad akong tumakbo pababa at sa kabutihang palad naabutan ko sya mula sa pangatlong buga ng usok ng kanyang tambutso.
Habang kami'y nasa loob ng mamahalin nyang sasakyan at umaandar ng 'sing bilis ng agila, kasabay nitong umaandar ang mala-granadang ingay mula sa bukana ng bibig ni Daffy. Ngunit lahat ng iyon ay mistulang musika na lamang sa aking tenga na nabibilang sa mga walang kwentang rap song na dumaan sa pandinig ko.
Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong naligo muli, dahil mukhang malakas ang kapit ng amoy ng lumang publishing house.

Habang si Daffy naman ay agad na dumiretso sa school para makapag-bigay ng report patungkol sa kanyang ginawang pananaliksik.
Habang isa-isa kong tinatanggal ang mga saplot na nakabalot sa aking katawan upang maligo, nakapa ko sa bulsa ng pantalon ko ang Isang mahaba't ngunit payat na bagay at nang kunin ko ito...

"Eto pala yung ballpen na nakuha ko sa bulok na publishing house ..." Bulong ko habang nakatitig sa kakaibang ballpen na ito. Na para bang may kakaiba.

"D'yan ka nga muna" Sambit ko 'tsaka inilapag ang ballpen sa ibabaw ng blankong papel na syang nakapatong sa maliit kong mesa.

"I write to express not to impress" pagkanta ko sa quote na yan, na nilalapatan ko pa ng tono habang ginagapang ng maliit kong kamay ang ibat-ibang parte ng aking katawan upang sabon-in. Yan kasi ang madalas Kong marinig kay Sir Magno, na syang English Journ. Teacher namin.

At nang mapa-harap ako sa salamin. Nag simula na naman akong lamunin ng sistema ko na nag mukhang baliw na kinakausap ang sarili sa salamin.

"I write to express not to impress...PSH! Sinong niloko nyo !? Not to impress daw.. Pero kapag nananalo sa mga writing contest sobrang yabang ! Akala mo naman sya na yung pinaka magaling ! PSH. Sampalin ko kayo d'yan ng paa, Nang madama nyo ko! Porket wala pa Kong nakukuhang award... PSH! Naku, pag ako talaga sumikat at naging tanyag na manunulat, Who you kayo sakin!" Nababaliw na sambit ko sa harap ng Salamin.

Sa huling patak ng tubig mula sa shower, ay napatingala ako at napapikit. At bumalik sa pagiging seryoso ko.

"Sulat lang ng sulat misthie, balang araw maipagmamalaki mo sa harap ng maraming tao na 'Hey! Oo ikaw! Ikaw na nagbabasa ng librong kulay asul ! Yang librong binabasa mo, yan ang master piece ko!' maipagmamalaki ko rin ..."

huling sambit ko at tuloyang lumabas sa cr na nakabalot ng puting tuwalya ang katawan.
Winasiwas ko ng ka-unti ang maikli kong buhok dahilan para matalsikan ng konting patak ng tubig ang mga papel na nakapatong sa mesa. Nilapitan ko yun at hinawakan ngunit agad akong napabitaw sa papel dahilan para liparin ito papalabas ng bintana. Dahil nagulat at di ako makapaniwala sa nabasa't nakita kong nakalapat na mga letra sa kaninang blankong papel na pinagpatungan ko ng itim na ballpen.

Ang syang nakasulat sa papel.

Misthie,

Verdo Hilario ang aking ngalan, isang mabuting kaibigan na mula sa kung saan. Kailangan ko ang kamay mo at sabay tayong magtatagumpay.

Agad kong nilibot ang loob ng bahay dahil baka may kung sinong tao lamang ang nakapasok, sa mga oras na 'to binabalot na ako ng matinding takot.

Ang kaninang blankong papel ay ngayo'y naglalaman na ng isang napaka-misteryosong mensahe, at ni-wala akong ideya kung sino ang maaaring sumulat nun. Dahil wala namang ibang tao na narito sa aking bahay.
Agad akong nag bihis at di na nagawang mag ayos pa ng sarili. Ngunit di pa man ako nakakalabas ng bahay ay humarang sa pinto ang papel na kaninang nilapad sa bintana. Dahil sa takot, sinipa ko 'to papalayo at muling  sinara ang pinto.
Naupo akong saglit sa sofa at pinakalma ang sarili. Nang mahimasmasan ako, muli akong lumapit sa mesa na pinagpatungan ko ng papel kanina

"Ok, misthie umayos ka... papel lang yun, ok?" Kausap ko sa aking sarili.

Napa-titig ako sa itim na ballpen na kaninang nakapatong sa blankong papel.
Marahan ko 'tong kinuha't tinaktak at sinubukang isulat sa palad ko para sana malaman kung ito ba'y may tinta pa. Ngunit, nang maidampi ko 'to sa aking palad at isang katiting pa lamang na tuldok ang aking nai-da-dampi ay hapdi na ang aking naramdaman. Nakaka-paso 'to.
Dahil nais kong gisingin ang aking sarili kong nakakapaso nga ba talaga 'to ay muli kong idinampi ang dulo ng ballpen sa aking palad, at wala nang pag aaalinlangan. Tanga nga ako, dahil nakakapaso nga talaga.
Napakunot noo nalang akong napatitig sa ballpen'g 'to.

"Ikaw rin kaya ang nag sulat sa blankong papel...? Ay, HINDI-HINDI. Bwisit nababaliw na ata talaga ako! Imposibleng mag sulat mag-isa ang ballpen! " sambit ko at napa-iling na lamang.

Yung blankong papel, nag karoon ng misteryosong sulat.
Yung ballpen, nakakapaso.
Ano na ang sunod?
Yung ipis, nag sasalita!?
Bwisit, baliw na nga ata talaga ako.
Puro ballpen at papel nalang ang nasa isip ko, epekto lang siguro 'to ng pagiging frustrated writer ko.

Kinabukasan, alas-singko ng umaaga. Maaga ng dalawang oras na nakatakdang pag pasok ko. Di tulad ng nakagawian ng iba na sa pag-gising ay pag-darasal, pag-hihilamos o pag-e-ehersisyo ang unang ginagawa sa umaga. Ibang-iba sa nakagawian ko. Dahil sa pag mulat ko, ballpen at kwaderno kaagad ang siyang unang hawak ko na nakapatong sa ibabaw ng drawer ko na katabi lamang ng kama ko, na madali ko lang rin namang naabot sa pagising ko. Ballpen at kwaderno na siyang gamit ko upang ilathala dito ang mga napanaginipan ko sa gabing yaon. Kumbaga, Diary ng Aking mga panaginip na mas gusto kong tawagin sa katawagang, "Buhay ng taong patay"

Isa pa, sa loob ng isang gabi dalawa hanggang tatlong beses akong dinadalaw ng bangungot. Dahilan para hangarin ko na mabuhay sa isang bangungot, habang buhay. Ngunit ni-hindi mangyari. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko gustong isulat ang mga napapanaginipan ko, at marahil dahil na rin sa wala akong ma-pagkwentohan ng aking mga panaginip kaya't ballpen at kwaderno ang aking naging ka-kwentohan. At kung minsan pa, binabase ko sa aking mga panaginip ang mga istoryang inilalathala ko sa wattpad.
Napaka-wirdo ko nga kung iisipin. Pero 'to ang gusto ko, sa pag-susulat ko talaga natagpuan ang sarili ko.

Nang tumapat na ang mga kamay ng orasan sa itinakdang oras ng aking pagpasok sa paaralan, mabilis din akong kumilos at iniayos ang lahat ng gamit ko, kabilang na dito ang ballpen na nakuha ko sa bulok na publishing house.
Hindi tulad ng nakagawian ko, hindi tulad ng ordinaryong araw ko sa pagpasok sa paaralan. Ngayon, ibang iba ang ang aura na nadarama ko.
Nasa akin kasi ang mga mata ng bawat kapwa ko estudyante na makakasalubong ko. Ni-hindi ko alam kung bakit. Naisip ko tuloy na siguro may nagawa akong mali sa kanila kaya't ganoon na lamang ako kaiinit sa paningin nila.
Nang tuloyan akong makapasok sa loob ng campus, sumalubong sakin ang isang tarpolin na nakasabit mismo sa harap ng stage. Napa-atras ako at hindi makapaniwala sa nakita ko.
Isang tarpolin na naglalaman ng mga Top 3 finalist, sa Feature Writing Category. Ito'y isang patimpalak na ang lahat ng feature writer sa buong campus ay kasali. At sa di malamang dahilan, puma-pangalawa ako na napabilang sa mga masu-swerteng nakapasok sa final. Hindi ako halos maka-galaw mula sa aking kinatatayuan. Siguro't swerte lamang talaga ako sa ngayon. Nagising lamang ang aking diwa ng dikitan ako ni Daffy at sinabing "Congrats!"

Si Daffy naman, ay ang syang puma-pangatlo na nakapasok din sa finals.

Hindi ako makapaniwalang naungusan ko sya sa patimpalak na iyon.

Wakas.


2 Launchers recommend this story
launchora_img
More stories by Hazel
Pen And Paper

Writing is the most magical yet sharpest things on earth that can changed lives. #ThisIsMyStory

74
Life Cycle

Life is so unfair—we'll meant to die.

32
Wasak

Anong pamilya ba ang pinangarap mo?

22

Stay connected to your stories

Ghost Writer

97 Launches

Part of the Mystery collection

Updated on November 30, 2019

Recommended By

(2)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.