Pag larawan mo aking tinitignan,
Ibang saya aking nararamdaman,
Papaanong ako'y nabiyayaan,
Patuloy na tanong na nanghihingi ng kasagutan.
Nang ika'y unang beses mahawakan,
Parang gustong palagi ka na lang hagkan.
Hindi akalain na ito'y makakamtan,
Saya ko ngayon walang mapagsidlan.
Isa kang himala na kay hirap paniwalaan,
Pinapanalangin hindi lang panandalian,
Pagka't pagmamahal sayo'y wagas at pangmatagalan,
Ikaw ang himala kong hinding hindi ko bibitawan.
At kahit na anong subok maintindihan,
Palagay ko Dyos lang may alam ng dahilan,
Kung bakit tayo'y nagkrus ng daan,
Ang alam ko lang ay patuloy kang mamahalin magpakailanman.
Kapalaran man minsan ako'y pinaglaruan,
Naranasan man na iba ako'y saktan,
Lahat ng ito'y nasa nakaraan na,
Dahil ang kasama ka ang iniisip na kinabukasan.
Gunitaing ito paulit-ulit babalikan,
"Panginoon, papaanong ganito mo ako biniyayaan?"
Tuwing makikita ka sa aking harapan.
Walang sawang na Diyos ay aking pasalamatan.