Launchorasince 2014
← Stories

Gusto kitang pinagmamasdan...


Gusto kitang pinagmamasdan

Lalo na kapag tumitingin ka sa dagat

Sa kung paano ang iyong ngiti

Ay umaabot hanggang sa iyong mga mata

Gusto kitang pinagmamasdan

Lalo na kapag tumitingin ka sa dagat

Dahil 'yun ang mga oras

Na nakikita ko ang totoong kasiyahan sa iyong mga mata

Sa kung paano ka nabibighani

Sa pagtitig sa dagat

Gano'n din ako nabibighani

Sa tuwing pinagmamasdan kita.