Are you sure you want to report this content?
voiceless
I never felt so voiceless in my entire life
just that night when someone peep outside my door
pagkatapos ng kainan sa bahay namin
nag uwian na ang mga bisita at iba pa
naming kamag anak tahimik na ang
buong sambahayan
wala na ni isang ingay kang maririnig
dahil kapag ka sasapit ang ika alas dose ng hating gabi
pinag babawalan na kaming lumabas
sa kanya kanya naming kwarto
yan ang mahigpit na habilin ng
mga magulang ng nanay
ko na syang may ari ng bahay nato dati
ayaw daw kasi nila lola ng maingay
kapag sasapit ang oras na yan
hindi ko nga rin maintindihan
na paka maka luma lang talaga ng mga
matatanda
alam nyo na mga pamahiin na
hindi mo ma gets pero sinusunod nalang din naming
magkakapatid yun dahil
wala namang mawawala sa pag sunod
kaya kahit na naiihi na talaga ako ay
tiniis ko nalang hihintayin ko nalang sumapit ang
umaga para mapalabas ko
na itong nasa pantog ko
ipipikit ko na sana ang mata ko para subukang matulog
nang may marinig akong nag bukas ng pintuan balak ko sanang ignurahin
dahil imposible namang may
mag lalakad ngayong disoras ng gabi gayong lahat naman ng nandito
ay alam ang pinag babawal ng mga
nakaktanda sa amin
pero talaga naka rinig na naman ako ng tunog ng pag bukas ng pinto
kaya ay hinarap ko nalang ang pinto dito sa kwarto ko para makita
kung sino ang nangahas na sumuyaw sa utos ni
lola talagang lagot sila kay nanay mamayang umaga
grabi pa naman magalit ang nanay ko kapag
may sumusuway sa utos nya
pero ng harapin ko ang pinto ay nakasara naman ito
pero nakasisiguro talaga akong may narinig akong tunog ng pag bukas ng pinto
hmmm. baka naman wala naman talaga akong narinig
pinag walang bahala ko nalang yoon at sinubukang matulong
pero kahit ilang tupa na ang nabilang ko ay wala gising na gising parin talaga ang diwa ko
ayaw talaga akong patulogin ng pantog ko
talaga namang ngayon ko lang napag isipang nakakainis pala pag wala kang cr sa kwarto mo kapag may ganitong pangyayari
ihing ihi na talaga ako gusto ko ng ilabas tong nasa pantog ko
pero sa tuwing naalala ko ang kwento ng mga tiyahin ko
tungkol sa bahay na ito ay talagang umuorong ang ihi ko
sabe kasi nila sa tuwing sumasapit ang hating gabi kapag tulog na ang lahat
oras naman ng ibang naninirahan dito na gumising para mamuhay ng gaya ng mga ginagawa ng taong gising sa umaga
hindi man nababanggit ng mga tiyahin ko kung ano ang ibig nilang sabehin doon ay nababasa ko na akung ano iyon
but I cant just let that story stop mena umihi sa oras na ito hindi naman kasi napipigilan ng storyang yan ang pantog ko sa pag putok
kaya kahit takot na takot ako ay sinubukan kong tumayo sa kama naka bukas ang ilaw sa kwarto ko kaya naging mabilis ang pag kilos ko hindi naman kasi ako sanay sa dilim
at isa pa takot ako sa dilim ayaw ko ng hindi ko nakikita ang mga nasa paligid ko
nang nasa harap na ako ng pintuan ay nag dadalawang isip pa akong buksan ito natatakot ako kung anong pusibling makita ko sa labas pero hindi talaga mapipigilan ang pantog ko kaya pinailaw ko muna ang flash light na hawak ko bago pihitin ang pinto nakatotok ako sa paahan ko dahil sa takot sa kung anong meron sa kabilang bahagi ng pintong kaharap ko hinawakan ko ang siradora ng pinto at hindi ko alam kong dahil ba sa takot kaya kahit ang siradora ay subrang lameg
pinihit ko ang seradora ng kwarto ko at nag likha ito ng kakaibang tunog luma na kasi ito kaya kapag bubuksan mo ay talagang maririnig mo nag tunog nito
sinubukan kong buksan ang pinto pero parang ang bigat
parang ayaw mag bukas but my call of nature is just too strong kaya na buksan ko ang pinto ng kwarto ko napa yuko pa ako dahil may malamig na hanging tumama sa mukha ko parang hangin na inipon at biglang napakawalan but its too strong kaya na pikit ako ng mata at noong buksan ko nag mata ko ang una kong nakita ay isang paa
maputing paa
wala namang masama sa paa hindi ba at wala namang nakakatakot sa paa
pwera lang kong ang paa na nakita mo ay kagaya ng paa nakikita ko
isang paang hindi nakatapak sa sahig nakaktutuk doon ang ilaw na nag mula sa flash light na bitbit ko na unti unti kong nabitawan
nang inangat ko ang mga mata ko
isang mukha ng lalaking maputi subrang puti maitim na mata at maputlang labe ang nakaharap ko
"hello" sabe nya
selfless love; letting go of someone you love so dearly to someone that make them happy.
1174 Launches
Part of the Fantasy collection
Published on July 05, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.