Mga pangakong napapako sa putikan,
Mga salitang hindi dapat paniwalaan,
Ngunit ng dahil sa aking kagustuhan,
Ay napahamak na may kalungkutan.
Hindi maalaman kung anong gagawin,
Kung ganyan ba o ganoon din,
Nais na ang iyong pangalan ay banggitin,
Ngunit may pakiramdam na pumipigil sa akin.
Itong tulang ito ay alay ko sa'yo,
Ngunit nalalaman kong di mo mawari na ikaw ito,
Hanggang sa dumating ang panahon ay malaman mo,
Na sa lahat ng nangyari ay ikaw pa rin ang puso ko.