Launchorasince 2014
← Stories

Inay

Naalala ko pa ang lumang tugtogin ng pumapainlang sa aming tahanan,

Nakita ko kung paano siya  umindak sa saliw ng musika,

Nakangiti ka at tuwang-tuwa kahit paulit-ulit mong pinapakinggan ang kanta. 

Tinanong pa kita noon, "Hindi ka ba nagsasawa?"


Naalala ko ang iyong pag-iling sa aking tanong, hindi ka sumagot.

Lumapit ka lang sa akin at niyakap ako na para bang huli na ito.

Masaya ka sa mga oras na iyon, pero bakit ka umiiyak?

Bakit kakaiba ang kislap ng iyong mga mata tuwing magkasama tayo?


Naalala ko pa ang mga panahong, kinakantahan mo ako at sinasayawan na para bang ito na ang huli mong kanta,

Bakit may kakaiba sa mga kinikilos mo?

Bakit pakiramdam ko, may lihim kang di mo kayang banggitin?


Kaya naman pala, naalala ko kung paano ako lumuhod sa iyo,

Nagmakaawa at halos tawirin ang kalsadang pumapagitna sa atin,

Naalala ko kung paano mo ako yakapin ng mahigpit,

bago ka nagpaalam at umalis,


Naalala ko pa noon ang sinabi ko sa'yo, kasabay ng pag-agos ng luha sa aking pisngi, "Inay, wag mo akong iiwan!"