Launchorasince 2014
← Stories

Isang dosenang walang kwenta


Hindi ako mag uumpisa sa una
Dahil sawa na akong marinig ang bawat simula.

Naiinis ako sa tuwing naririnig ko ang unang talatang

Magsisimula ako sa umpisa
Sa kung paano mo ako tinitigan sa aking mga mata.

Ayokong tumulad sa kanila
Na parepareho ang nadarama
Na parepareho ang istorya
Na parepareho ang umpisa.

Ang mahmamahal ka
Ang masasaktan ka at matututo kang magpalaya.

Kaya't mag uumpisa ako sa huli
At sa pagtatapos ng ating istorya
Sa kung paanong tayong dalawa ay muling naging estranghero
Sa kung paano mo ako tinitignan na tila ba hindi kilala o
Hindi na kilala

Sa kung paano mo iniiba ang ating pagkakapareho
At sa kung paano mo pinapaalala kung paano ako naging tanga.

Ang pagmamahal sa isang taong nagmamakaawa na mahalin,

Ay hindi nabibilang sa aking dalawang kamay

hindi milyon,
Hindi taon,
Hindi oras
At hindi sa pagbibilang ng panahon.

Hindi sa pagitan ng pag-asa at ng umaasa
Kundi
Sa isa- hanggang isang dosena.

Na sa una, ang salitang mahal kita ay singhiwaga pa ng walang hanggan at nais ko itong marinig sa pangalawang pagkakataon dahil masarap pakinggan.
IKATLOng beses nagsimula na ang pagsumpa ng pangako sa isa't-isa
At pinangarap ang sa APAT na sulok ay tuluyan nang magsama.
Binigyan mo ako ng LIMAng dahilan
upang manatili sa tabi mo
Ang IKAANIM ay puro nalang ako
Dumaan ang PITO-pitong milyong kasiyahan na tila ba wala ng bukas
At WALONG ulit mo akong pinangingiti sa binibigay mong oras

Hiniling mo ang aking kamay at sinabi ang SIYAM na letrang M A H A L K I T A.
Pagtapos ng sumpaan ay madalas pa sa SAMPUng beses ang pagluha ng aking mga mata

At ang natira sa ating libro ay labing isang kalasada  na parehong binabaybay ang pangarap na isa nalamang alaala.

At sa huli at sa isang dosenang pahina,
Para kang relo na matapos ang lahat ay babalik sa umpisa,
Minsan akong tumungo sa pag-ibig ng may kasama

At sa huli ako nalamang ang naiwang mag isa.

Ayokong magisa lalo nat nasanay ako na sabay tayong nagsimula
Na sabay tayong nangarap
nasabay tayong tumatawa
Pero mag isa lamang akong umiiyak.

Nakakatawang isipin na pareho tayong nangangarap at nagmamahal
Nangangarap ako saiyo habang nangangarap ka ng iba

Nagmamahal ako sayo
Habang minamahal mo siya-

Sabay tayong nangarap at nagmahal
Pero mag isa lamang akong nasasaktan.

Nahihirapan ako sa aking utak na nag papanggap na puso
At sa aking puso na nagpapanggap na may alam.
Nahihirapan ako sa paglangoy sa sarili kong luha

Mahirap gumalaw lalo na't hanggang ngayon ay nakagapos parin ako saiyo

Nahihirapan akong lumakad sa bubog ng kahapon
Nasaiyo man ang tadhana
Nasaakin naman ang panahon.

Nakakulong sa kalaliman ng gabi
Naiwang ginaw sa hinihintay na umaga
At sa sobrang lamig ng aking pakiramdam ay gusto ko nang magsunog ng mga ala-ala.

Dahil kailangan ko din ng init
Dahil kailangan ko din ng pagtila.
Dahil kailangan ko din ang paglimot
Dahil kailangan ko din ang pahinga.
Dahil kailangan ko ding Makaramdam
Dahil kailangan kong iparamdam
Saiyo kung gaano mo ako nasasaktan

Sa tuwing sinasabi mong mahal mo ako
Kapag wala kanang matakbuhan
Sa tuwing sinasabi mong kailangan mo ako.kapag hindi kana kailangan ng iba.

Mga panahong buong puso kong ibinigay ang ako
Ng walang kapalit na ikaw.

Pero sinasabi ko sayo,
Saaking huling pagbitaw.

Mahirap hanapin yung bagay na wala sayo,
Pero mas mahirap hanapin yung meron ka, yung nasaiyo na,
Pero winala mo.