Are you sure you want to report this content?
Isang minuto
Binubuo ng animnapung segundo.
Ganito kahaba ang bibigkasin kong tula
Sa sandaling ako'y magsimula
Maghanda ka sa pagwawakas
Dahil saglit lamang ito'y matatapos na.
Sa pagtingin ko sa orasan,
Naalala ko ang mga sandaling lumisan
Pawang ala-ala na lamang mula sa nakaraan
Sapagkat oras ay hindi mahahawakan.
Anumang pilit kong hatakin pabalik
Anumang pihit at pagpupumilit
Hindi na kayang maikakabig pabalik
Kahit ika'y tumangis ng may pamamanhik
Ang anumang bagay na sa oras ay umagos ng papalayo
Papalayo dahil hindi napahalagahan
O kaya'y di nagamit ng lubusan
Ay mga halimbawa ng mga bagay na kinakailangan ng maiwan
Dahil walang taong nabubuhay sa nakaraan.
Kaya sa paggamit ng panahon,
Maging matalino ka
Gamitin mo ng tama
upang hindi magsisi sa huli
at sabihin mong "Ako'y huli na."
Ang tulang ito ay isang minuto na
Kaya't ito'y isa na lamang ding ala-ala ng nakaraan
na hindi mo na kailanman maibabalik pa
Kaya kung may nais kang baguhin sa takbo ng buhay mo
May panahon ka pa upang maiayos ito
Upang sa pagsulat mo ng iyong sariling tula
ay hindi ka manghinayang at magsabing
"Sana, may panahon pa."
I am a pushover. I am glad I found someone to lean on no matter how hard I get pushed.
117255 Launches
Part of the Society collection
Updated on March 21, 2019
(9)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.