Istorya na naglalaro sa aming mga diwa
Nakatulala na para bang sira
Nananaginip kahit umaga
Nasa bahay man o eskwela
Hindi basta kwento
Ito'y galing sa puso
Mga imahinasyong gustong magkatotoo
Mga ideyang nakakaloko
Iba't ibang uri ng kwento
Ngunit sa ibang mga parte nito,
Ay may mga pag-aming nakatago
Sa mga nakapaligid saming tao
Kami'y nagpapasalamat
dahil sa aming naisisiwalat
imahinasyong nakakagulat
sa pamamaraan ng pagsulat
Kahit na di ito magkatotoo
dahil ito lamang ay isang kwento
na gawa ng aming isip at puso
mayroon parin itong aral na maibibigay para sayo.