Launchorasince 2014
← Stories

Istorya ng Birhen

Birhen ka pa ba?
Sabi ko, "hindi na"
Mahalaga pa ba yun?


Tinanong ba nila ako
Noong walang awa
Nila akong pagsamantalahan?
Noong gabing ako'y dakpin
At nakawin
Ang kamusmusang bumabalot sa akin?


Hindi naman, di ba?
Wala silang pakialam
Sa aking kamusmusan
Hindi nila alintana
Kahit pagkatao ko'y tuluyang mayurakan


Paulit-ulit nila akong ginahasa
Naiwan akong naliligo
Sa sarili kong luha at dugo


Hindi ko noon nakamit ang hustisya
Ngunit patuloy akong umaasa
Na sana isang araw
Ay may tumindig kasama ko
Laban sa mga magnanakaw
At mamamatay taong kagaya nila


Birhen pa ba ako?
"Hindi na"
Pero ako'y mulat na
At may magagawa ako
Patuloy akong makikipaglaban
Hanggang makamit ko ang katarungan


Ako si Pilipinas,
At ito ang istorya ko,
Ang istorya ng bayan ko
Dalangin ko'y naunawaan mo
At tumindig ka kasama ako.