launchora_img

Ito na ang huli

Info

Andito ako, wala ka na

Sa pag iwan ko sa una

Sa huli ako'y iiwanan din pala


Paano ba nagsimula ang lahat?

Bakit ba tayo nagkakilala?

Balikan ang alaala


Para saan?

Para lalong masaktan pa

Baka sakaling magising na


Nakilala kita sa ilalim ng mga bituin, habang may musika sa paligid. Hawak natin ang mga bote ng serbesa. Walang humpay na sayawan, tawanan at hindi ko na matandaan. Ninakaw na ng alak ang mga sandali, at sa di inaasahan ay ika'y nalasing. Inuwi ka namin sa bahay ng kaibigan, ako'y naiwan para ika'y alagaan. Ako ang naglinis sa iyong iniwan, ako ang umasikaso hanggang sa ika'y matauhan. Ng panatag na ang aking kalooban umidlip ako at nagising ng iyong hagkan.


Ito yung una. Yung unang pagkakataon na ika'y nakasama. Nakakatawang alalahanin, lahat ng mga sinabi mo at binanggit. Kayrami mong inamin. Tunay ka ngang lasing. Ito yung una. Unang beses na ika'y nakilala. Unang beses na nakausap ka sa labas ng opisina. Unang beses na mayakap ka. Ito yung una pero hindi ito yung simula.


Pagkatapos ng ilang buwan ay naulit ang pangyayari. Sa ilalim ulit ng mga bituin, may musika sa paligid at may mga bote ng serbesa. Sa pagkakataong ito, ako ang nalasing. Ikaw ang nag alaga, umasikaso at nagbantay sa akin. Pero may mali. Sa kalagitnaan ng gabi ay dumampi ang labi mo sa akin. Hindi ko masasabing hindi sinasadya dahil ginusto ko rin. Pero hanggang dun lang yon. Hanggang sa mga halik at yakap at wala ng iba. Ayoko ng humigit pa, hindi ko pa kaya.


Kinaumagahan. Kinabukasan. At sa sumunod at sa sumunod. Buong araw magkausap, magkasama, magkapiling. Lahat ng oras ko'y nalaan sayo, lahat ng atensyon ko'y inangkin mo. Nabuo na ang mga sabi sabi at haka haka, ngunit dahil masaya tayo, walang umaamin. Basta tayo, masaya. Basta tayo, walang ginagawang masama. Kunwari. Kung saan saan tayo nakarating, kung ano ano ang nabili at naangkin. Naubos ang panahon sa isa't isa. Nagkakilala ng mas higit pa.


Ang pangalawa na ba yung simula natin? Kung may simula mang maituturing. Siguro.


Sa ikalimang palapag ay hitik ang usapin. Kung tayo ba o meron ba o ano ba ang nangyayari. Nagsimula ko na ring marinig na ako'y madumi, patapon at di kawili wili. Walang kunsensya, walang dangal, walang puri. Sinasabi nilang sakim ako, pagka't dalawa kayong iniibig. Dalawa kayong tinatangi. Pero hindi, alam kong hindi dahil iisa lang ang pinipintig ng puso kong makulit. Akala ko'y ika'y madadaig ng sabi-sabi ngunit hindi. Naiinis ka ngunit hinahayaan mo lang. Masaya tayo eh, sabi mo nga.


Kaya't patuloy lang ang nakagawian. Pagkatapos ng oras ay uuwi sa akin, at ako'y sasanayin sa iyong mga ngiti, alaga, yakap at halik. Matutulog ako sa iyong tabi, ligtas sa iyong bisig. Gigising sa iyong halik, sa iyong haplos, sa iyong tinig. Gagayak tayo at sabay na aalis. Halos doon ka na tumira, gamit ko at gamit mo'y magkahalo na. Kakatwa, dahil pagdating sa ikalimang palapag ay iba. Walang nakakaalam, walang nakakabatid. Sikreto nating may tamis at pait.


Tamis at kilig, kapag tayo ay magkapiling

Pait at pighati dahil hindi ka naman akin

Lahat ng ito'y mananatiling sikreto natin.


Sikretong hindi ko batid kung may patutunguhan pa.

Sikretong tila ba matatapos na.

Kaya't ihahanda ko na.


Gamit mo sa gamit ko, ihihiwalay ko na.

Yayapusin, lalapatan ng halik.

Huling beses na ako, sa'yo ay dadampi.



Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by Louise
Huling Araw.

Simula ngayon ay kakalimutan na kita.

00
Trouble for me.

Not the right time, not the right place, not the right person.

00
Sa uulitin

Heto na naman po tayo.

00

Stay connected to your stories

Ito na ang huli

63 Launches

Part of the Love collection

Updated on February 06, 2017

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.