Launchorasince 2014
← Stories

L A R O

Laro tayo.
Tagutaguan.
Patintero.
Langit lupa.
At tumbang preso.

Pagkabilang kong tatlo nakatago na kayo.
Isa-isa ko kayong papatayin.
Dalawa-ng beses ko kayo sasaksakin.
Tatlo-katulad ng ginawa niyo sakin.

Kailangan magaling kayong umiwas, wag niyong hayaan ang aking palad.
Na kumilos para kayo'y hablutin sa kasalanang hindi ko ginawa ngunit iginiit niyo sa akin.

Hindi ako marunong sa takbuhan kaya nga't ako'y inyong iniwan pero ako'y hindi papayag na sa larong ito ay mapunta kayo sa alapaap. Gagawin ko ang lahat upang lahat tayo ay mapunta, sa impyernong kayo mismo ang gumawa.

At sa huling pagkakataon, kapag nagawa ko na at nagtagumpay ako; ibabaling ko sa iba ang kasalanan ko.

Katulad sa larong tumbang preso.

Mahuli, taya.
Kahit itayo mo, ikaw parin ang may sala.