Launchorasince 2014
← Stories

Liham para kay Ligaya

Mahal kong Ligaya,

Nasaan ka na?
Labing-limang taon kitang hinanap at hinintay.
Alam mo bang sayo'y walang papantay?
Ngunit sayong paningin ako tila ay wala ng buhay.
Anong nangyari at aking nagawa upang ikaw ay lumubay?
Pinilit ko naman sayo ay umakbay,
Pero patuloy kang palayong bumaybay.
O' Ligaya, mga hikbi ko ba'y iyong naririnig?
Gabi-gabi ko bang pagbulong sa hangin sayo'y nakararating?
O baka naman hindi mo pinapansin ang aking tinig?
Ligaya, ikaw ay aking nais makasama sa bawat pintig ng oras.
Sana ika'y muling magbalik habang hindi pa tuluyang nauubos ang aking pag-asa.
Habang may limang pulgada pa ang layo ng talim ng kalungkutan mula sa aking ugat.

Nagmamahal,
Mayang Pipit Sa Taas ng Gusali