Madalas nila-like ko ang bawat post mo
Kahit hindi ko alam kung napapansin mo
Sa libu-libo ba naman ng mga likers mo
Mapapansin mo ba ang isang like ng tulad ko
Minsan sinubukan ko mag-comment sa post mo
Kaso ilang minuto lang natabunan na ng marami pang komento
Mula sa iba pang nag-iidolo
Hindi ko tuloy nalaman kung nabasa mo
Naglakas ako ng loob na mag-send ng message sayo
Hinintay kong ma-seen mo
Na-seen mo...
Hinintay kong mag-typing
Nag-typing...
Kinabahan ako
Naluha na lang ako sa reply mo
"Matagal nang patay ang nanay ko. Namatay sa pagpapakasarap sa Japan kasama ng kabit niyang Hapon. Kaya eto, ang anak niya kailangan magpasikat para mapakain ang labing-isa niyang kapatid at maipagamot ang tatay niyang may sakit. Hindi ko po kayo kilala, pasensya na."
(Isang malayang tula sa malamig na gabi 121807)