launchora_img

⁶⁵ Lost and Found

Info

Limang minuto pa lamang ang ginawang lecture ni Ma'am Hernandez pero pakiramdam ko, isang taon na akong nakaupo sa bakal na silyang ito. Sa sobrang katahimikan ng paligid, dinig na dinig ko ang tunog ng chalk habang sumusulat siya ng pamilyar na mga simbolo sa pisara.

Napabuntong hininga na lang ako.

Sa ilang minuto kong pagmamasid sa aking mga kaklase, walang nagtatangkang magsalita ni isang salita. Walang gumagawa ng kahit kaunting ingay. Walang kumukurap ng mata. Sa palagay ko, kahit yata ang paghinga ay nakalimutang gawin ng mga ito. Paano ba naman, terror ang aming propesor sa mga oras na ito.

Ano naman kung terror si Ma'am? Napairap na lang ako sa hangin.

Chemistry is boring!

Iyan ang mga salitang gumuguhit sa mukha nila.

Wala naman akong pakialam kung ayaw nila sa propesor o sa subject na ito. Huwag lang nila akong pakikialaman, magiging maayos ang lahat.

Ngunit katulad ng lahat ng naririto, naiinip na talaga ako!

Kumaluskos ang bangko at nagtinginan sa akin ang lahat ng tao sa kwarto. Taas noo akong tumayo habang bitbit ang dalawang libro at naglakad sa unahan. Tiningnan ako ni Ma'am Hernandez kaya tiningnan ko rin siya.

Kung ibang estudyante ako, malamang ay sinigawan niya na ako sa pagkakataong iyon ngunit hindi iyon nangyari dahil ako si Anne. Hindi siya umusap ng kung ano, ni hindi niya ako sinita o pinagalitan. Alam niya kasi ang pag-uugali ko pati na rin ang gawi ko sa eskwelahan.

Sa totoo lang, hindi lamang siya kundi ang lahat ng propesor ko ang nakakikilala sa ganito kong ugali. Ako yung tipo ng estudyanteng lalabas sa oras na gusto niya.

Wala naman silang magawa dahil ganito talaga ako. Hindi nila masasabing wala akong alam dahil nabasa ko na ang ituturo nila para sa isang buwan. Sino ba namang estudyanteng hindi tatamaring makinig kung alam na niya lahat ng sasabihin ng mga facilitator niya?

Hinayaan nya lamang ako ng buksan ko ang pinto palabas. Nang makalabas ako ng room ay nadama ko ang init ng araw. Nakasisilaw rin ang liwanag na dulot nito. Kaya itinuon ko na lang ang aking pansin sa shed na tambayan ko kapag naiinip ako sa klase.

Hindi ko naiwasang sumimangot dahil puno ang shed. Ayokong magbasa roon dahil maraming maiingay na estudyante. Mahihirapan akong magpokus. Sayang ang ganitong lugar sa eskwelahan kung pupunuin lang ng mga estudyanteng walang ginawa kundi mag-tsimisan tungkol sa kanilang crush.

Lumipat ang tingin ko sa study area. Nakita kong ginawa lamang iyong tambayan ng mga estudyanteng gustong matulog. Hindi ba nila naisip na sayang ang space na ginagamit nila para tulugan?

Mainit na nga, iinit pa ang ulo ko kaya hindi na ako nagtangkang pumunta roon. Ayokong masira ang araw ko. Maganda pa naman ang panahon.

Saan ba magandang magbasa? Tama!

Sa library!

Naisipan kong magpunta sa library ngunit dahil sa tindi ang sikat ng araw, tinamad na ako. Nakalimutan ko kasi ang aking payong. Minabuti kong sa garden na lang nagpunta. Sigurado akong kokonti lang ang tao kaya lang, karamihan ay mag-boyfriend girlfriend.

Napailing na lang ako ng aking maala-ala si Miguel at ang sinabi niya sa akin kanina. Sa bagay, wala naman akong magagawa kung iyon talaga ang gusto niya. Napabuntong hininga na lamang ako.

Naglakad-lakad ako ng kaunti at sa wakas, nakahanap ako ng magandang pwesto. Tamang tama para sa akin ang napwestuhan ko—may mesa. Ipinatong ko roon ang aklat habang ang isa ay kapit ng kanang kamay ko.

Differentiation of Inverse Trigonometric functions
d                           du  
dx (arccos u)= -  dx
                          √1−u²

Libang na libang na ako sa binabasa kong Calculus book ng mapansin kong may kalapit na pala ako.

'Ang lakas ng loob niyang tabihan ako rito.' Iyan ang nasa isip ko. 'Bakit sa tabi ko pa, ang dami namang bakanteng upuan?'

Titingnan ko sana siya ng masama at paaalisin sa tabi ko ng mapansin ko ang gulo-gulo niyang buhok. Hindi naman mahangin dito pero bakit ganun ang hitsura ng buhok niya? Ewan. Bahala na siya sa buhay niya. Bakit ba nakikialam ako?

Ipinagpatuloy ko lang ang binabasa ko ng biglang tumunog ang bell. Ibig sabihin, break time na. Bahagya akong napangiti. Makikita ko na si Miguel. Ilang oras pa lang pero miss na miss ko na siya.

Kukunin ko ang phone ko para sana tawagan si Miguel ng mapansin kong hindi ko pa pala natatanggal sa mga tenga ko ang earphones ko. Makakalimutin na talaga ako. Itinatago ko na sa bulsa ng bag ko ang earphones ko ng mahagip ko ng tingin si Miguel. Kasama niya si Hannah, ang cheerleader. Magkahawak sila ng kamay habang masayang nagtatawanan.

Nang pagkakataong iyon, nawala ang ngiti sa mga labi ko. May kung anong pinipira-piraso at unti-unting dinudurog sa loob ng dibdib ko. Hindi pa ako nakararamdam ng ganitong sakit magmula ng ipinanganak ako—ngayon lang.

~~~•••~~~

Isang linggo na ang nakalilipas ng ipaskil ang schedule ng exam. Katulad ng dati, hindi na naman ako nag-review. Ang akala ng iba, ang taong kagaya ko ay subsob sa pag-aaral pero nagkakamali sila.

'Why do I need to review?' Para makakuha ng mataas na score? Napailing ako. Kung inaral mo talaga 'yan, hindi mo na kailangang mag-review.

"Anne!" Tinawag ako ng isang babaeng blockmate ko. Hindi ko alam kung anong pangalan niya. Hindi ko rin naman gawi ang magtanong ng pangalan dahil sa loob ng limang minuto, makakalimitan ko rin 'yon. Why would I exert efforts to ask, right?

Hinihingal pa siya ng sabihin niyang pinatatawag ako sa dean's office. Ano na naman kaya iyon?

~~~•••~~~

'Exchange student? Bakit ako?'
Kung ibang estudyante ang binigyan ng offer na ganito, tiyak na oo kaagad ang sagot nila. Nakakatawa lang dahil ako ang binigyan ng ganitong opportunity. Tinanggap ko na rin dahil mapilit sila. Ano pa nga bang magagawa ko? Pumirma na si dean sa form for transfering students.

Ika-lima na ng hapon ng makaawas ako galing sa eskwela. Inilabas ko ang phone ko para tawagan si Miguel. Sana'y pinakiusapan ko siya na pumunta sa park malapit sa eskwelahan namin. Sasabihin ko rin sa kanya ang sinabi ng dean sa akin. Pipindutin ko na sana ang call button ng makarinig ako ng dalawang boses na papalapit sa akin.

Hindi ako maaaring magkamali. Boses iyon ni Miguel at ni Hannah.
"Anong balita sa inyo ng girlfriend mong nerd?" Maarteng tanong ni Hannah.

"Wala naman. Ganun pa rin siya. Mas may oras pa sa mga libro niya kaysa sa akin." Tumatawang tugon ni Miguel.

"That's why you chose me."

"Hindi ko naman talaga siya mahal. Ikaw ang gusto ko, Hannah."

Hindi ko na napigil ang mga luha ko. Una-unahan ang mga ito sa pagtulo.
'Bakit ang sakit? Ganito ba talaga kapag hindi nasuklian ang bagay na inaasam mo?'
Ito ang mga tanong sa isip ko habang tumatakbo ako patungo sa park kung saan kami madalas na nagtatagpo ni Miguel. Ngayon, desidido na akong lumipat ng paaralan. Kalilimutan na kita, Miguel.

Hinahabol ko ang aking paghinga ng marating ko ang park. Ang dami naming ala-ala dito. Kapag naiisip ko ang mga iyon, nanghihinayang ako. Sayang ang pagmamahal na ibinigay ko para sa kanya.

Humihikbi pa rin ako ng makahanap ako ng upuan. Tumungo muna ako roon. Nakita ko ang putik-putikan kong sapatos. Naaalala ko pa siya habang itinatali ang shoe lace ko. Nakakainis! Pati ba naman sa sapatos, naroon siya!

"Hi, miss! 'yung ID mo, pakalat-kalat sa garden ng school!" Napaangat ako ng tingin sa estrangherong bigla-biglang nagsalita.

Nasa kanya pala ang ID ko. Tiningnan ko na lamang siya sa mata pagkatapos ay umalis na. Hindi ko na kinuha ang ID. Wala na rin namang silbi dahil aalis na ako sa eskwelahang iyon.

Sa kabilang banda, natanto kong malakas ang loob ng lalaking iyon. Siya lang ang parang sira na lumapit sa akin para sigawan ako dahil sa ID ko. Nakakaaliw siya. Kaya lang, malabo na sigurong makilala ko siya lalo na't aalis na ako sa school natin.

~~~•••~~~

Isang linggo na lang at matapos ko na ang aking kurso sa isang International School. Oo, ito nga ang eskwelahang nilipatan ko. Gaya ng inaasahan ng mga tao sa paligid ko ay magtatapos ako ng may karangalan. Wala namang silbi iyon sa akin. Hindi ko naman hinangad ang bagay na iyon.

Para makibalita sa nangyayari sa dati kong university ay nag-b-browse pa rin ako sa kanilang blogsite. Iba na pala ang set of officers ng Artisan, ang literary organization ng Unibersidad ng San Pedro.

May nakalagay pa na mga larawan nila sa bawat pangalan ng officer hanggang sa mapatitig ako sa isang pangalan na naroon.

PAUL?

Siya nga. Siya nga yung nakakuha ng ID ko dati. 'yung lalaking mahilig sa magulong style ng buhok. Siya nga ito.

Sinimulan kong magbasa ng mga article ng ginawa niya. Hindi ko rin inakalang marunong siyang magsulat. Ang buong akala ko, isa siyang bulakbol na estudyante na walang alam kung hindi ang mag-cut ng klase kagaya ko.

I-sinend ko ang isang e-mail. Napailing na lang ako. Sana, maalala niya ang babae nakita niya sa park. Sana, maalala niya 'yung makakalimuting babaeng nakaiwan ng ID. Sana, maala-ala niya ako sa gagawin ko.

Written: February 17, 2018 8:55PM
With: Paul (@sanaakonalangulit)
Series part of: Are You Ready To Lie About How We Met?


12 Launchers recommend this story
launchora_img
More stories by Grace Silent
Blame me

Hi there, Ms. Perfect! You are very good at blaming other people.

00
Narratives of a Pushover

I am a pushover. I am glad I found someone to lean on no matter how hard I get pushed.

11
Lessons Learned by the Proud Scholar

Success can make a person arrogant. Stay humble.

00

Stay connected to your stories

⁶⁵ Lost and Found

160 Launches

Part of the Modern Romance collection

Updated on June 01, 2018

Recommended By

(12)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.