Luhang natuyo kahit hindi mo punasan
Sakit na nararamdaman paano malulunasan
Naglalakad, nagtatanong paano bakit ganito;
Ikaw na pangarap ko ikaw rin ang sanhi ng pagbagsak ko
Luhang tumutulo paano matitigil ito
Diba nangako ka na ikaw ang mag pupunas nito
Bakit, bakit ako ganito. Bakit iniwan mo ako
Ako na sabi mo'y mahalaga sayo.
Luhang tumulo ng sinabi mong "sawa na ako"
Lalong tumulo ng sabihin mong "mahina ako"
Hindi ba sapat ang lakas ko, ako para humantong tayo
Sa puntong wala ng ibang pagpipilian kundi ang pagsuko mo
Ngayon ang luha nato; kasama kong maglalakbay
Sa pagbabagong ako na lang at wala nang tayo
Proseso ng pagbabago na dati ikaw at ako;
Ngayon ay magisa na lang ako.