Launchorasince 2014
← Stories

Mahiwaga ang pagibig (TAGALOG)

May narinig akong kanta...

"Paano mo alam na siya na iyon?"

Naisip ko, oo nga.

Paano mo malalaman kung ang minamahal mo ngayon ay siya na?

Mahirap masabi kung siya na kung alam mo sa sarili mo, ikaw lang ang nagmamahal,

Kung alam mo sa sarili mo na paulit-ulit ka na lang niya sinasaktan,

Kung alam mo namang kahit mahal mo, pakiramdam mo hindi ka niya mahal.

Paano nga ba malalaman na siya na kung sa puso mo, siya lang talaga?

Pero ang puso niya ay nakabaling sa iba?

Siya na ba?

Kahit sinasaktan at iniiwan ka?

Bumabalik nga nguni't uulitin naman ang pag-iwan?

Tama nga ang kanta,

Ang pagibig ay mahiwaga,

May nagmamahal na hindi siya mahal,

May nagmamahal pero iniwan,

May nagmamahal na nasa tabi,

May nagmamahal na gustong umamin nguni't walang lakas ng loob umamin,

At may nagmamahal na tinatanggap pa rin siya kahit nasasaktan nang paulit-ulit.