Nang gabing iyon sa langit ako'y nakatangla
Taos pusong humiling sa makinang na tala
Puso'y pagbigyan pagkat ito'y nangungulila
Ang kalungkutan at pighati ay di mawala
Ang tamis ng pagmamahal ay di malimutan
Di makawala sa pangako ng nakaraan
Sa isang iglap nasayang ang pinagsamahan
Panong ang pagmamahalan ay natalikuran?
Parang bagyong malakas ang dulot ay pinsala
Ang dating masiglang mata ngayon ay tulala
Sa ngayon ang aking sarili'y di makilala
Tila ang dating ako'y nakulong na sa hawla
Mahal, wag mag alala ngayon ako'y malungkot
Huwag mabahala ibabaon na lang sa limot
Gaya ng mga halaman ito'y matutuyot
Sa pag sikat ng araw maglalaho ang lungkot.