Launchorasince 2014
← Stories

Paano makakalaya? (TAGALOG)

Tama ka nga,

Sa bawa't taong aking nakakasalamuha,

Sa bawa't taong nagsasabing 'mahal kita',

Hinahanap ko pa rin sa kanila yaong 'ikaw'.

Kaya hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ako sa iyong pangakong binalewala mo na.

Paano ako makakalaya?

Kung hanggang sa panaginip ko'y palisaw-lisaw ka,

Nakikita ko palagi sa paligid ang iyong pangalan,

Sa bawa't bagay na aking ginagawa, pumapasok ka sa aking imahinasyon na ika'y kasama,

Kapag naririnig ko ang mga paborito kong awit, alaala mo ang aking nakikita,

Ni hindi ko rin malimutan ang mata mong kumikinang kapag ako'y iyong pinagmamasdan,

Paano nga ba ako makakalaya?

Kung hanggang ngayon ang pagibig mo pa rin ang nais ng puso kong nagmamahal nang tapat.