Launchorasince 2014
← Stories

Pagdating

Di ko inaasahan ang pagdating mo.
Napakamisteryoso mo na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Di ko nga alam kung nanaginip ba ako o sadyang nasa realidad nga ba ako.  Para ka kasing isang character sa libro: malapit sa salitang perpekto.  Di ko nga alam kung ako ba'y naloloko dahil sa iyong mga kwento.  Nakakagulat kasi ang mga inilalahad mo.  Nagtiwala ka sakin at ibinahagi ang iyong mga sekreto pati na rin ang nakakasakit sa iyong puso.  Nakakapanibago na may isang taong katulad mo.

Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami rami ng pwedeng kong makilala ay ikaw pa. Siguro may plano ang Diyos kung bakit tayo pinagtagpo ng tadhana.  Natunaw ang aking puso dahil sa pag aalagang iyong pinakita.  Sa paglipas ng panahon ay unti unti mong nakuha ang aking tiwala.  Ako ay nagtataka dahil kahit kanino ay di ko nagawang makipag usap ng gaya sa ating dalawa. 

Salamat sa iyo at ako'y nagiging masaya.  Sa mga panahong kailangan ko ng karamay ay laging nandiyan ka. Ako'y masaya sa sinabing mong nagbago ka na simula ng ako'y iyong makilala.  Masaya ako at mabuting dulot ang epekto ko sayo.  Salamat dahil tayo ay nagtagpo.