Maganda, mabait, perpekto
Lahat gusto ko sa’yo
Hindi ko alam kung bakit
Ngayon ko lang ito nararamdaman.
Kay sadyang kakaiba
Basta ika’y kasama
Palaging may ngiti sa labi
Lumiwanag agad ang paligid.
Mata’y kay sadyang mga bituin
Ngiti’y parang araw
Hindi nakakasawang masdan
Mukha mo’y nasa isip na’t panaginip
ko.
Lahat ng ginagawa mo
Sadyang nakakahanga
Parang anghel sa langit
Hinulog para sa akin.
Palagi kong iniisip
“Pwedeng tayo na lang?”
Gusto ko na lang na ikaw lamang
Ikaw na gusto kong makasama.
Wala nang iba pa
Iba pang lalamang sa’yo
Nasa iyo na ang lahat
Lahat ng gusto ko.
Ito nga ba ang sinasabi nilang
pag-ibig?
Palagi na siyang nasa isip
Dumidilim ang paligid ‘pag wala
siya
Hindi mapakali kapag nandiyan
na?
Malungkot isipin ngunit
Hindi pala ito pag-ibig
Ito’y isang paghanga lang,
paghuhumaling
Iyong tipong gusto mo siyang
kunin, may pwersahan, madalian.
Handa na akong magintay
Walang pwersahan
Walang madalian
Ika’y aking inspirasyon na
lamang.
Gusto ko na sanang umamin
Ngunit ayoko na, hindi na
kailangan
Hanggang dito na lang
Bilang isang kaibigan lamang.