Are you sure you want to report this content?
Illustration by @_ximena.arias
Pahingi ng isang yakap.
Yung mahigpit para Di ko na madama ang sakit.
Yung matagal hanggang lahat ng negagibo saki'y matanggal.
Yung totoo, upang maramdaman Kong may kakampi ako sa mundo.
Pahingi.
Isang Yakap lang, sana'y Di mo ako pag damotan.
Isang Yakap lang sana'y ako'y iyong pagbigyan.
Sapagkat ako'y nangangailangan ng masasandalan.
Yung kayang pawiin ang aking Di maipaliwanag na kalungkutan.
Pahingi ng isang yakap, na magpapadama sakin na ako'y mahalaga
Isang yakap na pwde kong iiyak ang lahat at manghina.
Pahingi ng isang yakap na wala mang salita, ramdam mo parin ang pakikisimpatiya.
Pahingi ng isang yakap, hanggang puso koy gumaan na.
Pasensya kana kung ikay laging basa sa luha,
Pasensya na kung kailangan mong marinig bawat hikbi ko sa kama.
Pasensya na kung minsan nasusuntok pa kita,
Pasensya na dahil Di kita binibitawan hanggang ako'y kumalma.
Pero salamat, dahil ikaw yung laging nanjan.
Nagpapatulog sakin matapos ang serye ng iyakan.
Salamat sa kahit gaano katagalan na yakapan. Maraming Salamat aking unan.
Pero pasensya na, Pahingi pa rin ng isang yakap.
Yung mainit, yung totoo, yung may pakiramdam.
Pahingi ng isang yakap mula sa taong may pakialam
Yung kayang sabihin ang
katagang "Laban lang"..
Everyone's been asking this question. A question that I only answered with a smile.....
0083 Launches
Part of the Life collection
Updated on October 04, 2020
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.