Are you sure you want to report this content?
Mahilig ako maglakad pauwi.
Hindi dahil sa nagtitipid ako sa pamasahe,
Hindi dahil sa wala akong masakyan,
At hindi rin dahil sa gusto ko mas mahabang soundtrip.
Naglalakad ako pauwi dahil may panahon ako para kausapin ang Diyos.
Kinakausap ko siya habang naglalakad ako,
Yung pag-uusap na para bang tropa niya ako.
Nagpapasalamat ako sa sa biyaya na natamasa ko
Pero minsan nagdradrama ako.
Hindi ko Siya kinakausap tungkol sa lovelife ko.
Ayoko kasi Siyang istorbohin sa kadramahan ng buhay ko.
Pero ngayong gabi humingi ako ng paumanhin sa Kanya.
Dahil broken-hearted ang isa sa anak Niya.
Nabasted ako.
Yung babae na, sobrang perfect na.
Yung babae na, in her own little quirky ways kumbaga
Na talagang nahulog ako sa kanya
Ay may mas nararamdaman para sa nakaraan niya.
Paulit-ulit kong sinabi sa kanya na hindi ko sinayang oras ko
Masasabi ko ba na nasayang ‘yon kung nagmahal lang naman ako?
“May ia-abot nalang ako sayo” ayun nagdahilan nalang ako
Para naman kahit papaano, may magandang ending ang pag-ibig na napako.
Nakakatawa dahil kung kalian ending na
Doon niya lang ako pinapasok sa bahay niya
Masaya na ako dun kase
Kung hindi man ako nakapasok sa puso niya,
At least nakapasok ako sa bahay niya.
Nandoon ako, nag-abot ng mga bagay na kailangan niya
At isang bagay na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.
Wala nga lang akong lakas, o kakayahan na sabihin talaga
Kaya ayun nagdownload ako ng video sa Youtube
Praktikal diba? Kung hindi mo kaya, ipasabi mo sa iba.
Nag-usap kami sa Mini-Stop sa may kanto
Umaasa na ang istoryang ito, kagaya nung convenience store,
Na panandalian lang din hihinto.
Sinabi ko sa kanya lahat,
At pinatawa siya kahit alam kong matatapos na ang lahat.
Pagkahatid pabalik sa dormitoryo niya,
Binitawan ko na ang dalawang mahiwagang salita
Mahal Kita.
At sa loob lang ng puso ko sinabi ko
Kahit may mahal ka nang iba.
Ishare ko lang:
Cold ako sa mga babae na binasted ako
Pero siya ang babae na kahit na nagkaganito.
Siya parin ang isisigaw ng puso ko.
Siya parin yung babae na perpekto
Na hindi man babae na pinapangarap ko
Pero siya yung babae na talagang nahulog ako.
Kaso, hindi nga lang ako sinalo.
Siya yung babae na ang hilig magsorry, parang ako
Okay lang sana yun basta sana naging tayo
Hindi ko naman hiniling na sana maging jowa mo ako.
Sana lang nabigyan ako nang pagkakataon na iparamdan sayo
Na ikaw talaga isinisigaw ng puso ko, kahit na mapaos pa ito.
Siya yung babae na naging kaibigan ko
Pero mukhang friendzone ang bagsak ko.
Siya yung babae na hinabol ko
Kaso yung nakaraan niya naging bato.
Hindi niya ako kilala pero
Ayun tinisod pa ako.
Pambihira past ka na nga sinaktan mo pa ako.
Naging totoo ako at sinabi ko
The moment na magkasalungat ang aming mga mata at hindi na magtagpo
Iiyak ako.
Ayoko lang naman na makita mo na nasaktan ako.
Bago ko siya iwanan, oo ako na yung lumisan
Kahit ako na yung nasaktan
Nangako kami na
Itatago namin ang huling salita para sa isa’t isa
Na tanging Diyos lang ang makakaunawa.
Sa oras na hindi na kami magkita
Nag iwan kami ng isang bagay na hindi na naisambit pa sa isa’t isa.
Kase sana naman mabigyan pa ako ng isang matamis na alaala kahit ito’y mga salita na nagpapaalam na.
At hindi na nagtagpo ang aming mga mata
Nang ako ay nagpaalam at lumisan na.
Kaya bumalik tayo sa umpisa
Kung saang mula España to Binondo
Panginoon lang ang kausap ko
Bumalik tayo sa simula, ay teka
Ako lang pala.
Sabi ko “Lord, kung onti nalang pala papayagan na niya akong manligaw, bakit niyo po pinabalik yung lalake? Ano po yun, boomerang? ”
Sabi ko “Lord, sana binanggit ko nalang sa kanya itong ga sasabihin ko sa Inyo.”
“Mahal parin kita.”
Mahal parin kita kahit na may nararamdaman ka nang pagmamahal para sa iba.
Mahal parin kita kaya gusto parin kita itext, ichat, tawagan o bisitahin ka.
Mahal parin kita kaya gusto parin kita dalhan ng binatog na paborito mo na noong dinala ko sayo
Napangiti kita.
Mahal parin kita kaya never kong inasam na maging jowa kita, na sana mabigyan lang ako ng kalayaan na iparamdam ko sayo na mahal kita kahit alam kong busy ka.
Mahal parin kita kahit nasasaktan na ako kasi bukod sa busy ka nga, eh busy ka narin pala sa kanya.
Mahal parin kita dahil kaya ko pa na pasayahin ka kahit na hanggang kaibigan nalang pala
Mahal parin kita dahil kahit sinasabi ko na okay lang ako eh yung sa totoo nadudurog na ako kasi nga mahal kita
Mahal parin kita kaya ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sayo kasi nga mahal kita.
Pero pinili kong wag sabihin sa kanya. Tanungin niyo ako kung bakit?
Kasi ayoko na makaabala pa.
Ayoko na dumagdag pa sa mga problema niya
Kung kumpleto na siya ayoko na sirain pa siya sa pagpaparamdam ko dahil ngayon may mahal na siyang iba
Siguro ganito ko siya kamahal pala
Na willing ako na masaktan nalang,
At pinili ko na tapusin nalang.
Kaso ano nga bang tatapusin ko kung
Kung hanggang kaibigan lang pala.
Pero kahit papaano, nagpasalamat ako sa Panginoon
Dahil sinagot naman niya ang mga panalangin ko noon.
Lord marami pong salamat dahil tinupad Niyo nga na magiging masaya na siya dahil may magpapasaya na sa kanya.
Lord marami pong salamat dahil tinupad niyo nga na maging magaan na ang mga bagahe niya dahil ay bubuhat na nito para sa kanya.
Lord marami pong salamat dahil tinupad Niyo nga na ingatan at alagaan siya, dahil bukod po sa Inyo, may magmamahal na sakanya.
Ako nalang sana pero sa plano Ninyo ako nagtitiwala.
Lord marami pong salamat dahil tinupad niyo nga na maging magaan na ang damdamin niya,
Dahil wala nang asungot na kagaya ko na mambubulabog pa sa puso niya.
Para hindi na kayo antukin pa sa mga sinasabi ko, parang pag-ibig ko
Eh lagyan na natin ng ending itong tulang ito.
Sa bawat panalangin at pakikipag usap ko sa Panginoon, palagi akong humihiling—taas noo:
Patuloy parin ako magdadasal para sayo, sa kaligtasan at kaligayahan mo.
Patuloy parin akong aalalay sayo
Kaya Panginoon payagan niyo po ako
Na mahalin siya kahit maging munting alaala nalang ang bagsak ko.
A true-to-life story of a rekindled friendship that would soon be lost in time.
82The poem I made when I was a student teacher, as I leave their classroom, one last time.
72140 Launches
Part of the Love collection
Updated on July 17, 2018
(9)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.