Ika'y isang papel na barko
Dumako sa pantalan ko
Sabay natin hintayin tumila ang ulan
Pagtapos ng lungkot ay iiwan mo rin naman
Ako ang iyong pantalan
Pansamantalang dakuhan pagtapos ng ulan
Ay mag-isa nanaman
Sana sa pagsikat ng araw
Ay hindi ka na lilisan
Sana sa pagtila ng ulan
Ay akin ka nalang
Magdadasal sa diyos
Hihiling sa mga bituin
Na ang pantalan na ito
Ay mamahalin mo rin
Sa pagbalik ng ulan
Bumalik ka muli saking pantalan
Sa pagdating ng haring araw
Ikaw ay handa ko nang bitawan
Ibibigay sayo ang sakit ng paalam
Maghihintay sa pagbalik ng ulan
Kung wala ka nang mapuntahan
Naghihintay lang dito sa pantalan