Launchorasince 2014
← Stories

Pareho nga ba?

Nagsimula tayo sa simpleng pakikipagkilala. Alam mo bang una palang, ikaw ay akin nang nakita? Sa iyong maayos na pagsayaw, ngiti mong sa aking mata'y nakapukaw. Parang ikaw lang ang sinisikatan ng araw. Sa lahat ng sumasayaw, ang tinitignan ko lang ay ikaw. Sinong magaakalang pagkatapos ng iyong pagsayaw, sa isang dako, ikaw bigla ay aking matatanaw. Ang aking kaibigan ay may tinatawag, ayun pala ay ikaw.


Ang liit ng mundo ano? Sa lahat ng tao, ikaw pa ang makikita ko.Hindi tayo nagkausap ng matino, pero sa sandaling iyon, walang nagsabi saaking "mali ito." Sa tulad kong tao na hindi pala-kibo, sayo lang ako naging ganto. Pagkatapos noon, tayo ay nagkalayo. Pagkalipas ng ilang panahon, tayo uli ay nagtagpo. Malaking tulong ng teknolohiya, kahit pisikal tayong di nagtatagpo, parang nandito ka parin lagi sa tabi ko.


Ang babaeng makasalanan, nagpakabait para lang makausap ka ng walang hanggan. Nagmukhang kapalit lang ng aking kabaitan, ay ang pansinin mo at wag akong iwanan. Ito'y nagtuloy-tuloy din naman. Dumaan ang ilang mga araw, at naging buwan. Napunta rin sa ating kaarawan na kung saan akala ko, hindi mo na ako iiwan.


Matagal na tayong naguusap pero bakit parang mayroon paring kulang? Matagal na rin tayong magkakilala pero bakit parang kailan lang? Araw-araw, minu-minuto, isip ka. Binigyan mo ng buhay na akala niya'y hindi na magtatagal pa. Dahil sa mga taong pinaasa at ginamit lang sya.


Pareho tayo ng pag-iisip. Mga opinyon, sabay pa nating sinasabi. Ngayong nahulog na ako sayo, pareho din kaya ang nararamdaman natin?


Sa panahong matalino na ang mga tao, na hindi basta basta sasayangin ang oras sa walang kwentang tao, bakit mo ibinigay sakin ang maraming oras mo? Maraming tao na ang nakakapagtanto, at nagtatanong kung ano ba tayo. Sabi ko, magkaibigan lang. Ngunit sabi nila, "Kahit kaibigan kita, hindi ko isasakripisyo ang oras na ganon katagal kung kaibigan lang kita.".


Naghintay ako ng iyong sasabihin, sa pagmamahal, mayroon din bang pamahiin?


Ngayo'y tila ika'y nawawala. Ako'y tatawag pa ba?


O huwag nalang dahil nakakahiya?


Ako'y maghihintay pa ba?


O huwag nalang dahil ako saiyo'y wala namang halaga?


Tama na ba, o susulong pa?


O maghihintay nalang at magbabakasakaling sabihin mo ang katagang "Mahal kita." at tayo'y maguumpisa..