May isang bagay akong natutunan sa mundong ito.
Na kapag ang isang salita ay inulit ulit mo, nawawalan ito ng kahulugan.
Parang isang libro ngunit ang pahina ay blanko.
Parang isang kanta, ngunit walang tono.
Prang isang obra, ngunit walang laman.
Maniwala kayo sa akin.
Hindi ko kayo niloloko.
Kapag inulit ulit niyo ang isang salita, nawawalan ito ng saysay.
Nawawalan ito ng bisa.
Parang nung sinabi ko sayo na mahal kita.
Mahal kita.
Mahal kita.
Mahal kita.
Inulit ulit ko sayo ang mga salita na ito.
Na parang isang asong ulol.
Na ikaw lang ang mamahalin ko.
Na gagawin kong dagat ang kalupaan.
At gabi ang araw.
Kung ako rin ay mamahalin mo.
At minahal mo nga ako.
Minahal mo ako.
At dahil paulit ulit mong binabalik sakin,
ang mga salitang mahal kita.
Nawalan na ito ng kahulugan.
Nawalan na ito ng bisa.
Hanggang sa isang araw.
Hindi mo na maintindihan ang ibig sabihin nang mga salitang mahal kita.
At huminto ang aking mundo.
Inaantay ang susunod na pangyayari, ngunit walang kasigaruduhan kung saan patungo.
Paulit ulit akong humingi ng tawad.
Patawad,
patawad,
patawad,
patawad.
Subalit sa bawat banggit ko ng mga salitang ito, ay unti unting kumakawala sa iyong isip ang kahulugan nito.
Hanggang pati ang mga yakap,
mga dampi ng iyong labi,
mga hawak ng iyong kamay...
Hanngang sa ang lahat ng ito ay habang buhay nang tinangay.
Dinala ng hangin sa kawalan.
Naglaho.
Naglaho...
...
...
...
Kapag inulit ulit mo ang isang salita.
Nawawalan ito ng kahulugan.
Kayat patuloy ko paring inuulit ang mga salitang, mahal parin kita.
Hinihiling na balang araw, mawala din ang kahulugan nito na aking iningatan.
Mahal parin kita.
Mahal parin kita.
Mahal parin kita.
Mahal parin.
Mahal parin.
Mahal.
Mahal...
...
...