"Mahal na mahal kita"
Mga salita na paulit ulit kong narinig
Mga salita na sa una palang alam ko na babalik at babalik nanaman ako sayo
Nangako ka na ibibigay mo saakin ang lupa at daigdig
Na kaya nating abotin and dulo basta magkasama tayo.
Pero bakit paulit ulit ko ring nararamdaman ang sakit?
Ang mga kirot hapdi at pighati?
Dulot ng mga sugat na kahit kelan hindi mapapawi
Bakit kailangan mo pa akong iwan at saktan?
Babalikan mo nanaman ba ako kung kelan mo lang ako kailangan?
Paulit ulit ulit na lang!
Hindi ka ba napapagod sa lahat ng laro at pananakit na ginawa mo?
Hindi ka ba nasasaktan sa bawat salita na iyong binitawan?
Hangang kailan ako magpapakatanga sayo?
Kung tapos ka na gawing panakip butas ako?
Pampalipas oras kapag hindi nasunod lahat ng gusto mo?
Paulit ulit ko ring sinasabi sa sarili ko na kakayanin dahil syempre Pag mahal mo babalikan mo?
Pero ang tanga ko din na kahit pinapamukha mo na sakin na Hindi mo ko gusto pilit ko parin tinutulak sarili ko papunta sayo.
Saan mo kaya nakuha lahat ng matatamis na salita at ako'y iyong napaniwala?
Saan mo nakukuha mga lakas ng loob para paikotin ako sa mga kamay mo?
Kailan mo kaya ako mamahalin katulad ng pagmamahal ko sayo?
Kapag huli na siguro ang lahat at ako'y susuko na sayo..