Baka kaya ako nasasaktan
Kasi masyado na kong umaasa
Baka kaya ako nahihirapan
Kasi mahalaga ka
Sa tuwing may kumakatok sa pinto
Nananalangin ako na sana
Sana sumilay ang mukha mo
Kahit suntok sa buwan
Umaasa ako na ika'y masilayan
Muling marinig ang boses mo
At makita ang mga ngiti mo
May kumakatok na naman
Sana ikaw na 'yan