Launchorasince 2014
← Stories

Sa dulo

Pasasaan pa
At makakalimutan din kita
Araw-araw yan ang sinasambit ko
Tuwing pauwi o papunta sa trabaho

Makakalimutan din kita
Titigil din akong umasa
Maibabaon ko rin sa limot
Ang pagmamahal na nagdulot ng kirot

Hindi man ngayon
Pero darating din tayo doon
Masakit
Kaya hindi ko na ipipilit

Paalam na
Ilang ulit na ba?
Paulit-ulit na lang ako sa pagsambit
Pero sayo pa rin bumabalik

Gustuhin ko mang lumuha
Ngunit hindi ito tama
Ako lang naman ang umasa di ba?
Kaibigan mo lang naman ako
Simula pa noong umpisa

Ang bilis ko kasing nahulog
Damdamin ko tuloy
Ngayo'y sabog na sabog