--
Sa pag-aakalang makakatakas ako sa ingay, sa tawa, sa salita, sa mundo, saiyo-
Sa pag aakalang makakatakas palayo sa lugar na nakapag papaalala ng lahat ng katang*han.
Tumakbo ako, hindi pasulong, ni hindi paurong, hindi rin pakaliwa o kanan.
Tumakbo ako pataas.
Umakyat sa bubong, sa itaas kung saan Kaya kong tanggalin ang maskarang sinusuot kapag kaharap ka.
Sa itaas kung saan kayang itago ng dilim ang mga mugtong mata.
Sa dilim kung saan pwede na akong lumuha ng walang makakasaksi kundi ang dilim, ang hangin, ang bituin at langit.
Gusto kong sumigaw mula rito sa itaas ngunit
Umuulan.
-akala mo umuulan.
Luha ko lamang ang iyong naririnig mula sa iyong bubong
Maingay ba?
Naiistorbo ba kita sa iyong pagtulog?
Matagal kanang natutulog,
O nagtutulog-tulugan?
masakit na ang lalamunan ko sa kakapigil ng nga hikbi.
Wag kanang magbingi bingihan.
Kahit wag kanang magbingi-bingihan.
Sanay akong hindi pinakikinggan.
Sanay akong walang nakakarinig.
Dyan kalang , sige mahimbing kalang.
Okay lang ako.
Bababa rin ako sa pagsikat ng araw.
At muling magsusuot ng paboritong maskara.
At muling magpapanggap
At muling ngingiti
At muling titingin saiyo
At muling maghihintay sa pag labas ng buwan,
At muling aakyat sa bubong ng dahan dahan.
At muling magtatago
At muling magiging manhid.
At sa huling pagkakataon,
Muling iiyak sa kalaliman ng gabi.
Muling mababasag.
At muli-
Sa muli nating pagtatagpo,
Ikaw na ang iiyak.
Ako naman ang masaya.