Launchorasince 2014
← Stories

Sampaguita - TAGALOG

Sana'y mabigyang-pansin mo,
Itong katagang sasalitain ko sa'yo,
Kahit ika'y malayo sa puso ko,
"Sumpa kita" ang gustong iparating sa'yo.

Iyo bang nalalaman?
Ang tagong mensaheng aking sinalita?
Marahil ay hindi o kaya ay nagtataka,
Kung ano ang mayro'n sa ganyang salita.

Naalala mo ba noon?
Ika'y nanunumpa na ako'y mahal mo?
Ako'y naniwala nang buong-buo,
Nguni't ito rin pala'y bibiguin mo.

Nguni't ito ang iyong tatandaan,
Lumipas man ang ilang taon at araw,
Kahit ako'y umasa at nasaktan,
"Sumpa kita" yan ang aking panghahawakan.

----
#ILoveYouSince1892