Are you sure you want to report this content?
Illustration by @_ximena.arias
Sana.
Isang salitang posible pero delikado
Pwedeng kampante ka o kabado
Sana.
Para sa mga taong naghihintay
ngunit pag-asa'y di na taglay
Para sa mga taong pagod na
pero lumalaban pa
Ito ay para sa iyo.
Ayoko na.
Iyan ang sabi ko ng lumabas ako sa pinto ng opisina
Ayoko na.
Ayoko ng maghintay
Sabihin nyong sandali, pakiramdam ko, ako'y mamamatay
Pagod na ako.
Pagod na pagod sa kaiisip kung saan ako nagkulang
Teka, ano pa bang kulang?
Hindi pa ba sapat?
Ibinigay ko na ang lahat-lahat.
Napasandal ako sa dingding ng opisina
Nag-isip ako ng malalim tungkol sa nangyari kanina
May pagkakamali ba ako?
Bakit ba laging ganito?
Gusto kong magkwento sa inyo
Gusto kong sumigaw
Gusto kong isigaw
Lahat-lahat
Lahat ng sakit
Lahat ng pait
Pilit kong kinakaya
Akala nyo ba, ako'y masaya
Kapag ba nakita nyo akong nakangiti,
hindi ba kayo nagtataka
kung paano ko nakakaya?
Pumapatak ang luha ko
Oo, umiiyak ako
Umiiyak ako habang isinusulat ko ang mga letra
mga tugma
na gusto kong marinig nila
Hindi ko na kaya
Ayoko ng umiyak,
nakakasawa
Nakakapagod na
Gusto ko nang sumuko
Alam mo ba yung pakiramdam na pahiyang pahiya ka na
Iyong iniisip mong pag-uusapan ka
kapag nakatalikod ka na?
Ang sakit kasi alam mong wala kang masamang ginawa
pero kailangan mong maranasan kasi isa kang dukha
Dukha.
Walang koneksyon sa kanila
Hindi mahalaga
Basura
Iyan ang tiningin nila sa akin
Isang alikabok na nadadala ng hangin
Kapag hindi nagpadala rito,
iniiwan
iniiwasan
Sa totoo lang,
wala akong ediya kung saan ako nagkulang
Sabihin nyo naman
Sabihin nyo pakiusap naman
Naupo ako sa bakanteng silya
Naisip ko bigla,
paano ko ipaparamdam ang mga hinaing ko
Kung ginagawa nila akong pipi at bingi at wala rin namang magtityagang makinig sa tulad ko.
Isa lamang akong mahinang boses sa gitna ng isang maalong dagat
Lakas ko'y hindi sapat
kaya nababalewala
Winawalang halaga
Sana, makaya ko pa
Sana, hindi pa ako sumuko
Sana, makinig sila kahit isang minuto
Sana, makaya ko pa
Makaya ko pa ang lahat ng ito
Sana, hindi pa ako sumuko.
Gusto kong magpaalam hanggang sa muli.
I am a pushover. I am glad I found someone to lean on no matter how hard I get pushed.
1186 Launches
Part of the Poetry Wars collection
Updated on October 27, 2018
(10)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.